RIDER NG MOTOR, PATAY MATAPOS SUMALPOK SA TRAK SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos na sumalpok sa trak sa may Bypass Road, Barangay Balagtas, Batangas City nitong Huwebes ng madaling araw.

Namatay sa aksidente ang driver na nakilalang si Daniel Chua, 26 anyos, residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2:30 ng madaling araw, tinatahak lamang ng trak na minaaneho ni Felixberto Almarez ang daan patungong San Pascual nang sumalpok sa unahang bahagi nito ang motor.

Sa  lakas ng impact ay tumilapon sa kalsada ang motor at ang  driver na si Chua, na nagtamo ng head injuries at naging sanhi ng kanyang agad na pagkamatay.

Nasa kustodiya na ng Batangas City Police Station ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

CELLPHONE SNATCHER, HULI SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Lungsod ng Batangas – Sa kulungan ang bagsak ng isang umanoy snatcher na nahuli ilang oras matapos niyang tangayin ang Iphone 13 Pro ng babaeng sakay ng dyip sa Barangay Pallocan West noong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Jojo Larga.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng jeep patungong SM City Batangas ang biktimang si Gian Carla Ramos nang tangayin ng suspek na nagpanggap na pasahero ng dyip ang nasabing cellphone na nagkakahalaga ng P70,000.

Matapos nito’y agad na bumaba ng jeep ang suspek at pumasok sa mall kayat hinabol ito ng biktima na humingi ng tulong sa pulis, na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek at pagkakarekober ng cellphone ng biktima.

Napag-alamang modus ng suspek at kasabwat nitong ilihis ang atensyon ng biktima sa pamamagitan ng pagtapon ng ketchup sa batok ng biktima.

Nakakulong na ang suspek sa Batangas City Police Station na nahaharap sa kasong theft.

P3.4 MILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUYBUST SA BATANGAS CITY

📷 PDEA Batangas

Marlon Luistro

Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng PDEA at PNP sa ikinasang buybust operation sa may tapat ng fastfood sa Diversion Road, Barangay Alangilan, Batangas City noong Miyerkules ng hapon.

Huli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga ang mga suspek na sila Noel Mangubat, 45 anyos, taga Barangay Wawa, Batangas City; at Ainsley Asi, 41 anyos, taga Barangay Lalayat, San Jose, Batangas.

Pasado alas-2:20 ng hapon nang ikasa ang joint operation laban sa mga suspek kung saan nasabat mula sa kanila ang 500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalagang P3.4 milyon.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Wala pang pahayag ang mga suspek sa insidente.

2 RIDER PATAY MATAPOS MABANGGA NG TRAK ANG MOTOR SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Patay ang magkaangkas na rider matapos na mabundol ng trak ang kanilang minamanehong motor sa Barangay San Isidro, Batangas City nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawing driver na si Paolo Miguel Aquino at ang kanyang angkas na si John Paul Noche.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-4:30 ng madaling araw, tinatahak lamang ng Isuzu Wing van Truck (Plate No. AAT-1718) ang pakurbang kalsada sa Sitio Curva, Barangay San Isidro nang magswerve ito pakanan para iwasan ang Honda Wave Motorcycle na kasalubong nito.

Sa kasamaan palad ay kinain ng motor ang linya ng trak kaya’t nahagip ng truck ang motor at nasagasaan ang dalawang rider, na siyang ikinasawi nila.

Bumangga rin sa poste ng kuryente ang nasabing trak.

Nasa kustodiya na ng Batangas City Police Station ang driver ng trak at suspek na si Bon Jovy Ocay, na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property.

Wala pa siyang pahayag sa insidente.

PCG, MARINA INIIMBESTIGAHAN NA ANG SANHI NG SUNOG SA MV ASIA PHILIPPINES

📷 PCG

Dalawang anggulo ang tinitingnan ng Philippine Coastguard na maaaring naging sanhi ng sunog sa RORO passenger vessel na nagliyab sa karagatan ng Batangas noong Biyernes.

Base sa inisiyal na imbestigasyon, sa chimney ng MV Asia Philippines nagsimula ang sunog.

Ayon kay Batangas Coastguard Station Commander Capt. Victorino Ronaldo Acosta maaaring mayroong faulty wiring o baka umano may ginagawang hotworks sa barko na napabayaan. 

“May mga nakitaan na rin po ng loose connections ng mga wiring po, isa po yun sa anggulong tinitingnan natin.  May witness din po na nagsasabi  na doon nga po sa chimney galing yung sunog po,” ani Acosta.

Hindi umano sa makina nagmula sapagkat hindi naman ito damaged nang kanilang inspeksyunin.

“Sa opinion ko may kaulumaan na din yung barko and the same time doon sa upper deck may mga kutson yun eh, may mga  unan, kumot  kaya naging mabilis yung pagliyab  ng sunog,” dagdag ni Acosta.

Sa isang order na inilabas ng Maritime Industry Authority (MARINA) Region IV-A, tanging ang passenger ship safety certificate lamang ng MV Asia Philippines ang suspendido pero isasailalim umano sa random inspection ang iba pang barko ng Starlite Ferries.

“Tingnan natin din ang mobility ng ating mga vessels otherwise  if  we will suspend lahat and then yung mga products ,goods baka walang gagalaw , randomly  inspection na  lang gagawin natin lahat ng vessels nila nagko-call dyan  kasi ang hirap magstop ng operation kaagad  they have existing safety certificate but what we need siguro is just to double check, reinspect,” banggit ni MARINA Region IV-A Director Engr. Emmanuel Carpio.

Magkakaroon ng deliberasyon ang Philippine Coastguard Maritime Casualty Investigation Team at MARINA bago ilabas ang pinal na report ng kanilang imbestigasyon.

PASAHERO AT CREW NG NASUNOG NA BARKO, LAHAT LIGTAS -PCG BATANGAS

📷 PCG

Jaimee Mauricio

Kumpleto, ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng pasahero kabilang ang mga crew ng MV Asia Philippines ayon sa paniniyak ng Philippine Coastguard Sabado ng tanghali.

Sinabi ni PCG Batangas Commander Capt. Vic Acosta sa panayam ng Frontpage na ang dalawang sinasabing nawawala na dahilan ng search and rescue operation ay napag-alamang hindi pala nakasama sa byahe ng alas 3:00 ng hapon kahapon patungong Port of Batangas.

Hindi aniya nagkasya ang sukat ng trak na sinasakyan ng mga ito sa barko kung kaya’t nagpasyang sa susunod na barko na lamang sila sasakay.

Aniya nasa bilang na 85 pasahero lamang ang mga sakay ng barko, 48 dito ay pawang mga pasahero at 38 naman ang mga crew members.

Sa ngayon ayon kay Acosta, tutukan naman nila ang dahilan at pinagmulan ng sunog.

PHILIPPINE RED CROSS RESPONDS TO PASSENGERS OF VESSEL THAT CAUGHT FIRE IN BATANGAS PORT

Volunteers and staff of the Philippine Red Cross (PRC) Batangas Chapter responded to passengers of a passenger vessel that caught fire in Batangas Port last night. Fire broke at 5:40 pm at Starlite MV Asia Pacific while it was docking at Batangas Port.

The vessel, which originated from Calapan, Oriental Mindoro, had 87 passengers, including the crew.

The PRC sent a total of 30 personnel, who provided emergency medical care, facilitated restoration of family links, and distributed T-shirts and slippers.

Three individuals were given emergency medical treatment while 15 had their blood pressure taken.

The PRC’s welfare team provided free use of phones to those who wanted to contact their families.

Ranz Hotel and Traveller’s Inn, Traveler’s Hotel, and Mariner’s Inn served as evacuation shelters.

Three PRC ambulance units and one mobile clinic were mobilized for the response.

The PRC team is ready to provide hot meals and psychological first aid to the passengers today.

BARKONG RORO NASUNOG SA ANCHORAGE AREA SA BATANGAS; 73 INILIGTAS

📷 PCG

Marlon Luistro

Nasunog ang barkong  RORO na MV Asia Philippines sa may anchorage area sa Batangas City  alas-5:59 ng hapon noong Biyernes.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard Batangas Commander Victorino Ronaldo Acosta, alas-3 ng hapon nang umalis galing Calapan Port ang Barko kung saan inaasahan sana itong dumating  sa Batangas Port bandang alas-5:30 ng  hapon.

Ang nasabing barko ay may sakay na 49 pasahero at 38 na tripulante habang mayroon din itong lulang 16 rolling cargoes.

Agad namang nagpadala ng rescue team ang Coast Guard at nagpadala na rin ng bangka para sa Search and Rescue Operations.

Bandang 7:30 ng gabi kahapon ay umabot na sa 73 indibidwal ang nasagip ng rescue team.

Isang sugatang survivor ang dinala sa pinakamalapit na ospital para  malapatan ng kaukulang medikal na atensyon.

Bago mag alas 10:00 ng gabi,  naglabas ng opisyal na pahayag ang Starlite Ferries na nagsabing ligtas at nahanap nang lahat ng pasahero at crew ng nasunog na barkong MV Asia Philippines sa Batangas.

Sa inilabas na pahayag sa official page ng kumpanya sa Facebook, sinabi ng kumpanyang safe at all accounted for ang lahat ng 40 pasahero at 33 crew na sakay ng barko.

Tiniyak din ng management na bibigyan ng full assistance ang mga pasahero at crew na apektado ng insidente at patuloy silang makikipagcoordinate sa mga  otoridad para sa imbestigasyon ng insidente. Ngunit nanindigan ang Coastguard na may dalawa pang nawawala ayon sa kanilang record.   Anim din umano sa mga tripulante ang hindi nakatala sa crew list. 

LALAKI, PATAY MATAPOS PAGTATAGAIN NG BILAS SA BATANGAS CITY

Marlon Luistro

Patay ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng kanyang sariling bilas sa Barangay Bucal, Batangas City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Ruel Matalog, isang construction worker.

Sa inisyal na imbestigasyon kadarating lamang ng biktima sa kanilang tahanan nang bigla na lang dumating ang suspek at bilas niyang si Honesto Tumanlao at kinompronta ito.

Hanggang sa bumunot na lamang ng bolo ang suspek at pinagtataga ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na ngayoy nakakulong na sa Batangas City Police Station at nahaharap sa kasong murder.

Personal na alitan ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa motibo ng pagpaslang.

Wala pang pahayag ang suspek sa nasabing insidente.

NEW POLICE PROVINCIAL DIRECTOR INSTALLED IN BATANGAS

Regional Director (Calabarzon) Brig. Gen Jose Nartatez hand over the flag of command to incoming Acting Batangas Provincial Director Pedro Soliba. He assumed the command from outgoing Batangas Provincial Director Glicerio Cansilao.  (📷 Arnell Ozaeta) 

Batangas – The Batangas Provincial Police Office has a new police director Col. Pedro Soliba was installed as head of the Batangas police Thursday morning.

He took over the post held by Col. Glicerio Cansilao at the change of command ceremony held at Camp Gen. Miguel Malvar in Batangas City.

The ceremony was presided by BGen. Jose Nartatez, Jr. Regional Director of the Police Regional Office 4 (Calabarzon).

Soliba was a former Regional chief of the PNP Maritime Unit and a former Deputy Police Community Relations Officer. He is a member of the Philippine National Police (PNP) Academy “Tagapagpatupad” Class of 1992.

In Calabarzon, Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. took over as regional police director replacing Brig. Gen. Antonio Yarra in ceremonies presided by PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.  at  Camp Vicente Lim recently.