LIPA CITY, NAKIISA SA WORLD BLOOD DONORS DAY

Alynna Marie Calayag

Nagsagawa ngayong araw, Hunyo 14, ang pamunuang panlungsod ng Lipa ng Blood Letting Activity bilang pakiisa sa selebrasyon ng World Blood Donors Day at bilang parte ng pagdiriwang ng 75th Cityhood Anniversary.

Nasa 311 kabuuang bilang ng mga blood bags ang nalikom sa pagtutulungan ng mga medical staff mula sa Batangas Medical Center, N.L. Villa Memorial Medical Center at mga volunteers mula sa Philippine Red Cross-Batangas Chapter. Ginanap naman ang akitibidad sa Lipa City Youth and Cultural Center.

Nakiisa rin ang Lipa City Health Office, Provincial Health Office, Department of Health, Batangas Blood Council, Center for Health Development-CALABARZON, Rotary Club of Lipa, Alagang Kapatid Foundation, Lipa City Police, mga Barangay Health Workers at ilang mga pribadong sektor sa blood-letting activity.

Namahagi naman ng token of appreciation at certificate ang pamunuan bilang pasasalamat sa mga nag donate ng kanilang dugo.

MASS BLOOD LETTING ACTIVITY, IDINAOS SA BATANGAS

Ira Claire E. Marasigan

Isinagawa ng Local Government Unit (LGU) ang isang malawakang blood donation drive sa Bauan, ika-18 ng Mayo.

Pinagtulungan ng Bauan Regional Health Units, Sangguniang Barangay ng Manghinao Proper, Batangas Medical Center, at Bauan Medical Society ang nasabing kaganapan.

Kasama sa mga nagbigay ng dugo ay ang mga walk in volunteers, kapulisan ng Bauan, at mga tauhan mula sa Bauan Department of Education (DepEd).

Nakalikom naman ng 116 blood donations mula sa aktibidad.