APAT NA MOST WANTED ARESTADO SA LAGUNA

Ylou Dagos

Apat na most wanted persons ang naaresto ng Laguna PNP sa magkakahiwalay na operasyon nitong Martes.

Kasama sa mga naaresto ang dalawa na kabilang  sa Regional level most wanted person ng CALABARZON, at dalawang city level most wanted person ng mga lungsod ng Calamba at San Pablo City sa Laguna.

Unang naaresto sa Calamba City sa bisa ng warrant of arrest ang wanted na si Rizaldo Nieto Reyes, 44 anyos, may kasong 3 counts of qualified rape sa pinagtataguan nito sa Brgy. Kay-anlog.

Samantala, isa pang wanted sa kasong rape ang kasunod na naaresto sa nasabi ring  lungsod.

Kinilala ito na si Ronald Bahenting na isa sa most wanted persons ng Calamba City na nadakma sa kanyang tintirahan sa Brgy. Makiling.

Sumunod na naaresto ang isa pang most wanted person ng region  na si Bryan Jay Papina,  35, sa  Brgy. Malusak,  Sta Rosa City na wanted naman sa  Syndicated Estafa.

Naaresto din ang isa sa most wanted person ng San Pablo City na si Tolentino Orenico Villanueva,  na may kasong frustrated murder sa operasyon sa Barangay San Antonio 2.

Pawang walang inirekomendang piyansa ang korte sa 3 naunang akusado.

BAHAGYANG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE HINILING SA ERC

Lyka Manalo

Hiniling ng SMC Global Power Holdings Corp (SMCGP) at Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pansamantalang payagan itong bahagyang itaas ang presyo ng kuryenteng galing sa Sual Coal at Ilijan Natural Gas power plants upang hindi tumaas ng mas malaki sa mga susunod na buwan at hindi maantala ang suplay nito.

Kamakailan lamang ay ginanap ang unang ERC hearing kung saan isinaad ng dalawang kumpanya ang dahilan para sa naturang petisyon.  

Ang power supply agreement (PSA) sa pagitan ng Meralco at SMCGP ay isa sa pinakamalaking kontratang pang enerhiya sa bansa, kung saan ang presyo ay “fixed rate.”  

Sa ilalim ng mga PSA na ito ay hindi ipinapasa sa konsyumer ang karagdagang gastos sa pag-gawa ng enerhiya, kaya’t ang halaga ng kuryente sa Metro Manila ay hindi gaanong tumataas kumpara sa ibang parte ng bansa. 

“Alam po namin na ang anumang pagtaas ng presyo ng kuryente ay hindi katanggap-tanggap. Kaya noong nakaraang taon ay hindi kami humingi na rate increase at hindi ipinasa sa mga konsyumer ang dagdag na gastos,”ayon kay SMCGP chairman Ramon S. Ang. 

Ngunit ayon kay Ang, malaki ang naging epekto sa pandaigdigang presyo ng coal ang labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine, maging ang pagpapatuloy ng pandemya.  

“Hindi inaasahan ang kakaibang pagbulusok na ito ng world prices ng fuel, kabilang ang coal, dahil noong 2019 dahil ang halaga lamang ng nito ay nasa US$65 per metric ton. Ang forecast pa ay ito din ang magiging average sa loob ng sampung taon. Ngayon, ito ay umaabot na sa US$400/MT,” wika ni Ang. 

“Ikinalulungkot naming sabihin na lubhang nakakaapekto ito sa operasyon ng dalawang planta. At hindi na kayang matustusan ang operasyon ng mga ito ng palugi, dahil mako-kompromiso naman ang ibang proyekto para sa pangkalahatang energy security ng bansa, maging ang aming mga obligasyong pinansyal, dagdag ni Ang. 

Sinabi pa niya na ang hiling lang ng kumpanya ay kaunting adjustment sa presyo para sa dalawang planta, sakop ang unang anim na buwan ng 2022, upang patuloy ang mga itong makapag-supply ng kuryente sa Meralco.   

Sa paraang ito, maiiwasan din ang epekto ng pag-terminate ng mga PSA–na magre-resulta sa mas mahal na presyo ng kuryente–sa mga industriya at iba pang gumagamit ng kuryente, lalung-lalo na ang low-income households. 

Kung pahihintulutan ng ERC, ang hinihinging pagluluwag ng SMCGP at Meralco ay magkakahalaga lamang ng 30 sentimo bawat kilowatt hour. 

Ngunit kung ito ay hindi papayagan ng ERC ay mapilitan ang dalawang kumpanya na ipawalang-bisa ang PSA.  Ang magiging resulta nito ay ang pagtataas ng hanggang P1.30/kwh sa presyo ng kuryente na ipapapataw ng Meralco sa susunod na tatlo hanggang apat na buwan. 

Kasama sa mga service areas ng Meralco ang Metro Manila, mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Bulacan at mga bahagi ng Pampanga, Batangas, Laguna at Quezon.   

Nauna nang nakapagbigay ng notice of termination sa Meralco ang South Premiere Power Corp. at San Miguel Energy Corp., na nagpapatakbo sa Ilijan and Sual plants. Ito ay magiging epektibo sa ‪Oct. 4, kung hindi matutulungan ang dalawang planta. 

“Nakikiisa kami sa pamahalaan para sa kapakanan ng konsyumer. Kahit pa karamihan sa mga power producers ay ipinapasa sa mga konsyumer ang dagdag na gastos ay tinanggap namin ang karagdagang gastos na ito noong nakaraang taon. Iyan ang dahilan kung bakit hindi gaanong tumaas ang presyo ng kuryente sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, kumpara sa ibang lugar sa bansa,” paliwanag ni Ang. 

Sakaling hindi tanggapin ng ERC ang hiling ng SMCGP at Meralco ay mapipilitan ang Meralco na humanap ng alternatibong pagkukunan ng supply ang Meralco na mas magastos. Kasama na dito ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM). 

Sa pagkuha ng Meralco emergency supply ay mas lalo pang tataas ang presyo ng kuryente dahil sa mahinang piso laban sa dolyar at patuloy na pagtaas ng pandaigdigang presyo ng panggatong o coal. 

Sa kasalukuyan ay nag-invest na rin ang SMCGP sa pagpapatayo ng pinakamalaking network ng Battery Energy Storage System (BESS) facilities sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Ito ay magbibigay ng reliable supply ng kuryente sa buong bansa at makakatulong sa malawakang paggamit ng renewable energy sa bansa.  

Maliban dito ay nag-invest na rin ang SMCGP sa kapasidad ng natural gas para makatulong sa transition ng bansa mula sa coal power.

2 PANG BANGKAY NA NAKITA SA LOOB NG KOTSE SA RIZAL NAKILALA NA

📷 Rizal PNP

Ylou Dagos

Makaraan ang mahigit  isang linggo, natukoy  na ng Rizal PNP ang dalawa pa sa 4 na bangkay na nakita sa loob ng abandonadong kotse na natagpuan sa Sitio Licao Licao, Barangay Macbud Rodriguez, Rizal noong August 22 ng umaga.

Batay sa pahayag ng Rizal provincial office sa kanilang social media account nitong Martes ng gabi, sinasabing ang dalawa pang bangkay na parehong babae ay sina Vivian Ayala, taga Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, at si Riza Miamo, taga Barangay Dulong-Pulo, Bacoor Cavite.

Una nang nakilala ang dalawang lalaking kasama ng mga ito na sina Carl Pabalan, 51,  tubong  Negros Occidental, at residente  ng Barangay Isabang,  Tayabas, Quezon at Robert Ryan Amarillo, 40 anyos, Tubong  Vigan Ilocos Sur,  at residente ng  taga Barangay 8, Lucena City.

Wala namang  iba pang inilabas na karagdagang  detalye ang Rizal PNP hinggil sa kaso, subalit  ayon sa mga awtoridad ay malapit na nila itong maresolba sa pamamagitan ng patuloy na pag-iimbestiga ng binuong  Special Investigation Task Group,  (SITG) Macabud.

Mayroon na anya silang lead sa kung sino ang mga suspek subalit tumanggi pa ang mga itong ilahad ang detalye dahil sa maaring  makaapekto sa ginawa nilang pagtunton at pagkilala sa mga suspek.

2 NOTORIOUS NA HOLDAPER SA CALABARZON NATIMBOG SA SAN PABLO CITY

Ylou Dagos

Natimbog ng mga awtoridad ang dalawang umano ay notorious na holdaper na nambibiktima  sa CALABARZON region at maging sa ilang lugar sa Metro Manila matapos na ng mga ito ay maispatan sa loob ng isang bar sa San Pablo City, Laguna nitong Martes ng Madaling araw.

Ang dalawa ay naaresto ng mga tauhan ng San Pablo City SWAT Team at mga  Intel Operatives  matapos i-report ng mga concerned citizen  na may dalawang armadong lalaki sa loob ng nasabing bar sa Brgy II-F.

Kinilala ng San Pablo City police ang mga suspek na sina John Reny Jose, 22 anyos, taga Parola, St., Cainta, Rizal; at Marvin Marasigan, 27, taga Bagumbayan, Angono Rizal.

Ayon sa  pulisya ang 2 ay sangkot sa serye ng panghoholdp sa limang lalawigan sa CALABARZON, gamit ang kanilang get-away vehicle na isang motorsiklo.

Positibong  kinilala ang dalawa ng ilan sa  kanilang mga nabiktima sa bayan at lungsod ng Lucena City, Tayabas City, Tiaong at Candelaria sa Quezon,  bayan ng Famy sa Laguna, at sa isang restoran sa Pililla, Rizal.

Narekober sa suspek na si Jose ang 27 ibat-ibang klaseng  cellphone, mga tablets, isang .9mm na baril, isang pares ng mamahaling sapatos at ilang sachet ng shabu  na pawang nakasilid sa isang backpack.

Nakuha naman kay Marasigan ang isang granada, isang 38 revolver, ilang sachet ng shabu at mga cash money na nakasilid naman sa isang sling bag.

Kinumpiska rin ng mga pulis ang kulay asul na motorsiklo ng mga ito na siyang ginagamit sa pagsasagawa ng krimen.

Sinampahan na ang mga ito ng San Pablo police ng patong-patong na kkaso ng paglabag sa Republic Act 10591 known as ‘Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act’, Violation of Republic Act 8294 known as ‘Amending Law for PD 1866 pertaining to firearms and ammunition’ and Violation of Republic Act 9165 known as the ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act’ sa City Prosecutor’s Office ng  San Pablo City nitong Miyerkules ng umaga.

Inihahanda na rin ang iba pang mga kasong isasampa sa dalawa ng kanilang iba pang mga  nabiktima sa ibat-ibang lugar.

MAHIGIT 10 LIBO POLICE AT MGA FORCE MULTIPLIERS IDENEPLOY NG CALABARZON PNP PARA SA BALIK ESKWELA

Ylou Dagos

Nasa mahigit na 10 libong mga pulis at mga force multipliers ang idineploy ng CALABARZON police sa lahat ng mga eskwelahan sa rehiyon bilang pag-alalay sa pagbabalik-ekwela ng mga mag-aaral ngayong Lunes.

Ayon sa PRO 4A Calabarzon, 6,542  mga police at 4,066 force multipliers  ang ikinalat sa mga bayan ng 5 lalawigan ng CALABARZON.

Bago pa man nagsimula ang klase ay nagbaba na ng kautusan si Police Regional Office CALABARZON director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. sa mga provincial, city at munucipal police office na maglagay ng mga Police Public Assistance Desks  at palakasin ang police visibility sa mga ewskelahan sa kani-kanilang area of responsibility.

Bukod sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga batang mag-aaral at mga guro, kabilang sa mga naging aktibidad ng pulisya ay ang pag-attend sa mga flag ceremony  at  pamumuno sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

Namigay din ang mga pulis ng mga facemask, alcohol,  mga pagkain at mga safety pamphlets tips sa ilang paaralan.

Ayon sa DEPED, ang Calabarzon ang may pinakamataas na bilang ng mga nagparehistro na may 3,709,599; sumunod ang Central Luzon na may 2,810,330; at National Capital Region na may 2,406,014.

7 ALLEGED NPA REBELS YIELD TO CALABARZON COPS

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Seven alleged members of communist New People’s Army (NPA) surrendered with some of their firearms to the police in the Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region a police official said Saturday, August 20.

Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez, Jr., Police Regional Office 4A chief, reported that the rebel returnees, who are only known by their aliases, surrendered after negotiations with the police in different parts of the region on Friday, August 19.

The report said three of the former rebels surrendered two caliber .38 guns, one caliber .45 pistol and bullets.

The NPA is the armed wing of the Communist Party of the Philippines (CPP). Established on March 29, 1969, the rebels have been fighting the government forces for more than five decades.

The PRO 4A is preparing the necessary assistance to the former rebels in their reintegration protocols under the government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).

E-Clip offers free medical treatments, education, housing, and legal aid to rebels who will surrender.

Each rebel can receive cash aid and other benefits to help them and their families to start new lives.

On his assumption as PRO 4A director on Aug. 15, Nartatez vowed to intensify the anti-insurgency campaign “that hinders the attainment of lasting peace in our country.”

Nartatez called on the remaining NPA rebels in the region to return to the folds of the law and be with their loved ones in the mainstream of society.

“We can only achieve lasting peace if we work together. The police and the government are doing their best to deliver well in their sworn duties,” he said.

ENHANCED PARTNERSHIP AGAINST HUNGER AND POVERTY SA CALABARZON, NILAGDAAN NA

📷 Kathleen Punzalan, DA-4A

John Raphael Abu

Nilagdaan na ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty CALABARZON Regional Memorandum of Understanding ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON sa pangunguna ni DA Assistant Secretary at DA-4A Regional Executive Director Engineer Arnel de Mesa ngayong araw, Hunyo 7, sa Calamba, Laguna.

Layunin nitong maisulong ang United Nations Sustainable Development Goals at makamit ang Ambisyon Natin 2040, sa pamamagitan ng pagbababa ng mga serbisyo na sumusuporta sa mga komunidad, hanapbuhay, at produksyon ng sapat na pagkain.

Ilan sa mga gampanin ng departamento ay ang makapagbigay ng agricultural and fishery inputs and services; capacity building and organizational strengthening assistance; assistance in the mobilization of resources for the production, processing, and post-harvest facilities of agricultural produce, at assistance in accessing credit from microfinance and credit institutions.

Kabilang sa mga kasapi ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON sa proyekto  ay ang Philippine Carabao Center, Agricultural Training Institute, National Irrigation Administration, Department of Agrarian Reform, Department of Social Welfare and Development; National Dairy Authority, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Jail Management and Penology, Department of Education, Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry, Cooperative Development Authority, The Commission on Population and Development, at Department of Information and Communications Technology.

PROGRAMANG PANG-RADYO UKOL SA ORGANIKONG PAGSASAKA, ILULUNSAD SA QUEZON

📷 ATICalabarzon

Ella Mae F. Villena

Sa pangunguna ng OIC Center Director ng Agricultural Training Institute (ATI) CALABARZON Dr. Rolando V. Maningas, pormal nang sisimulan ang programang “School-on-the-Air (SOA) on Organic Agriculture (OA)”, isang radyo eskwela ukol sa organikong pagsasaka na ginanap sa Catanauan, Quezon, kahapon, ika-20 ng Mayo, 2022.

Layunin ng nasabing programa na paigtingin ang promosyon ng Organic Agriculture Production sa lalawigan ng Surigao del Sur sa pamamagitan ng paggamit ng radyo at online platform bilang “communication media”.

Sa kabilang banda, dumalo naman ang ilang Municipal Agriculturists, OA Coordinators at ilang magsasaka mula sa mga bayan ng Bondoc Peninsula sa lalawigan ng Quezon.

Nagpaabot din ng mensahe sina ATI Director Dr. Rosana P. Mula at Regional OA Focal Person Ms. Eda Dimapilis mula sa Department of Agriculture Regional Field Office IV-A.

Samantala, mapapakinggan na ang SOA on OA simula ika-17 ng Hunyo, 2022 hanggang ika-16 ng Setyembre, 2022 tuwing Biyernes sa ganap na alas dose ng tanghali hanggang ala-una ng hapon (12:00 nn – 1:00 pm) sa 95.1 Kiss FM.

Masusubaybayan din ang programa sa sa opisyal na Facebook page ng ATI CALABARZON.

2 TEAM MULA SA CALABARZON NA KASALI SA RONDA PILIPINAS 2022, UMARANGKADA NA SA BICOL

frontpage online news - Ang Quezon team na kasali sa Ronda Pilipinas 2022
Ang Quezon team na kasali sa Ronda Pilipinas 2022

Pormal ng sumipa sa Sorsogon sa Bicol region ang pagsisimula ng LBC Ronda Pilipinas 2022 ngayong araw.

Ang ika-11 edition ng preshitisyosong karera ay nilalahukan ng 104 na riders mula sa 13 teams.

Kabilang sa mga teams na maglalaban sa 10 stages na karera ay ang koponan ng depending champion Navy Standard Insurance na pangungunahan ng 2019 champion Ronald Oranza; ang Go for Gold na babanderahan ng mga beteranong sina Dominic Perez, Jonel Carcueva and Boots Ryan Cayubit; ang Excellent Noodles na inaasahang dadalahin ni Santy Barnachea at Jan Paul Morales na parehong mga dating Ronda champions.

Samantala sa kauna-unahang pagkakataon ay dalawang provincial team mula sa CALABARZON ang makakasali at ito ay ang Bike Kings Laguna at ang Team Quezon Province na binubuo ng mga pinaghalong beterano at mga newbie riders.

Kabilang din ang mga teams ng Philippine Army, Team Nueva Ecija, Dreyna, Eagle Cement, Champ Café, Vantage Ilocos Norte, VPharma, at Team Ilocos Sur.

Ang unang 4 na stages ay gaganapin sa Bicolandia mula sa Sorsogon hanggang sa Camarines Norte.

Sa Lunes, March 14, ay magkakasubukan ang tatag ng mga siklista sa pinakamahabang stage 5 na magmumula sa Daet, Camarines Norte at magtatapos sa Lucena City.

Stage 6 ang mula Lucena hanggang Tagaytay City na tutulak sa Martes, March 15.

Pagkatapos ng Tagaytay finish, ay lilipat na ang karera sa nothern Luzon kungsaan gaganapin ang 4 na huling stage na babagtas sa mga probinsya ng Tarlac to Baler, Aurora; Baler to Isabela; Santiago City to Baguio City at ang panghuling 60 kilometers Criterium na iikot sa buong Baguio City.

Ang mga mangunguna sa karera ay magkakamit ng mga gantimpalang P1 million para sa champion, ang second placer ay tatanggap ng P400,000 at ang ikatlo ay P200,000.

Samantalang ang magkakampeon na team ay magbubulsa ng P200,000 courtesy ng LBC Express, Inc., MVP Sports Foundation, Quad X, Twin Cycle Gear, Standard Insurance, Print2Go, Elves Bicycles, Elitewheels, Orome, Maynilad at Garmin.

BATANGAS LOW RISK NA SA COVID-19

WHO COVID-19
(photo from WHO)

Tina Ganzon-Ozaeta

Lahat ng lalawigan sa CALABARZON region ay low risk na ngayon para sa COVID-19. Ito ay ayon kay Guido David ng OCTA Research Group matapos ma-downgrade ang kategorya ng Batangas ayon sa kanyang pinakahuling report.

Ani David, bumaba na ang health care utilization at positivity rates ng Batangas. Mula sa 36% hospital bed occupancy, nasa 31% na lamang ito.

Ang positivity rate naman o bilang ng mga nagkakasakit kumpara sa mga sumailalim sa testing ay bumaba na sa 8% mula sa naunang 10%.

Samantala, sinabi naman ni David na ang lalawigan ng Quezon na may 4% positivity rate ay posibleng mauna sa ibang lalawigan sa CALABARZON na bumaba sa kategoryang “very low risk”.