3 COVID-19 PATIENTS DIE IN QUEZON

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Three more COVID-19 patients in Quezon died on Monday, August 22, amid a decline in the number of active cases in the province.

The Integrated Provincial Health Office (IPHO) reported on Monday that the towns of Infanta and Atimonan and Tayabas City listed one fatality each.

The province had recorded 1,579 COVID-19 deaths since March 2020, 10 of them logged this month.

The IPHO also recorded that 86 patients had recovered from COVID-19, the highest single-day tally this month. At least 35 new infections were also listed.

From 275 active infections on August 7, it is now down to 186, as of the latest tally.

Eleven of the 41 municipalities in the province no longer have any recorded COVID-19 cases, the IPHO report showed.

The Department of Health placed Lucena, a highly urbanized city in Quezon, under alert level 1, the most lenient in the five-tier alert status, until August 31.

The rest of Quezon’s 40 localities will remain under alert level 2.

ARMY SUGATAN SA ENGKWENTRO SA QUEZON

Ylou Dagos

Sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos mapaengkwentro sa mga hinihinalang apat na miyembro ng rebeldeng grupo sa Infanta, Quezon Sabado ng hapon.

Kinilala ang nasugatang sundalo na si Staff Sergeant Alex Ayupan, 43 anyos, naka- asssign sa isang kampo ng 1st IB ng 2ID ng Army na nakabase sa Brgy. Tongohin, Infanta.

Batay sa report ng Infanta police, nakatanggap ng impormasyon ang army hinggil sa presensya ng apat na umano ay miyembro ng Communist Terrorist Group (CTGs) at hinhinalang may mga dalang baril na nakalagay sa sako.

Kasama ng biktima ang mga kapwa intel operatives na sina SSg Charnelo Valor at isang PFC Rapol, nasabat ng mga ito ang mga suspek na sakay sa isang tricycle sa national highway.

Nang makita ang mga sundalo, tumakbo ang tatlong suspek sa masukal na lugar samantalang ang isa ay bumunot ng maiksing baril at pinaputukan ang papalapit na mga army.

Nasapol sa dibdib si Ayupan habang gumanti naman ng putok ang dalawang kasama nito.

Nagkaroon ng maiksing palitan ng putok hanggang sa tuluyang tumakas ang mga suspek.

Matapos ang putukan, isinugod sa Claro M Recto Hospital si Ayupan para sa pangunang lunas at saka inilipat sa Camp V. Luna Hospital sa Quezon City.

BLACK SATURDAY TRAGEDY: DALAGITA NALUNOD, 5 NAKALIGTAS NANG TANGAYIN NG ALON

frontpage online news - Infanta Quezon Map

Ylou Dagos

Infanta, Quezon- Isang 15-anyos na dalagita ang nasawi at lima ang nakaligtas  nang tangayin ng malakas na alon habang lumalangoy sa isang beach resort nitong Sabado de Gloria sa bayang ito.

Idineklarang dead-on-arrival sa Claro Recto District Hospital si Justine Adopina Segismundo, at ang mga nakaligtas naman ay sina Arnel Fornillos Segismundo, 47; Arlene Adopina Segismundo, 17; Florencio Alfaro Chan, 49; Ailene Adopina Segismundo, 17 at Jennilyn Adopina Alfaro, 15 mga pawang naninirahan sa Binangonan, Rizal.

Batay sa report ng Infanta police,  dakong alas-2:30 ng hapon nang ang pamilya Segismundo at mga kasama nila ay nag-swimming sa Resplandor Boulevard Beach Resort sa Barangay Binulusan sa bayang ito.

Habang sila ang naglalangoy ay binayo ang mga ito ng malakas na alon at tinangay sa malalim na parte ng karagatan na kanilang ikinalunod.

Nasagip naman ang mga ito at lahat ay isinugod sa ospital sabalit hindi na umabot pa ng buhay si Justine na idineklarang wala ng buhay ng doktor.

VICE MAYOR NG INFANTA QUEZON, VIRAL NGAYON SA KANYANG KAKAIBANG PANGANGAMPANYA.

frontpage online news - Si Infanta Vice Mayor LA Ruanto hila hila ang kanyang speaker trolley upang ipangampanya ang kanyang ineendorsong pangulo (photo from LA Ruanto facebook)
Si Infanta Vice Mayor LA Ruanto hila hila ang kanyang speaker trolley upang ipangampanya ang kanyang ineendorsong pangulo (photo from LA Ruanto facebook)

Nicole Magmanlac

Iba naman ang gimik ng Vice Mayor ng Infanta Quezon na si LA Ruanto sa pag eendorso at pagsuporta sa kanyang presidential candidate na si VP Leni Robredo at ang katandem na si Kiko Pangilinan.

Viral ngayon ang kanyang nakakaaliw na mga video na makikita sa kanyang Facebook page.

Bitbit sa kanyang likod, o di kaya naman ay hila- hila niya sa kanyang portable trolley ang isang malaking speaker sa kanyang pag-uuli sa bayan ng Infanta. Kanyang kinakantahan at tila hinaharana ang kanyang mga kababayan habang ipinangangampanya niya si Robredo.

Unang araw pa lamang ng kampanyahan sinimulan ni Ruanto ang kanyang kakaibang gimik. Ayon sa kanyang facebook post, aabutin ang mga nasa laylayan dahil ang nagmamahal, pinaglalaban ang mahal.

Ayon din sa isa pa niyang post, “Spreading Love and Goodvibes. Kung Di man si Leni ang Presidente mo, uunawain kita at hindi huhusgahan dahil Kapwa Pilipino pa rin tyo at iisa, kaya’t ipaglalaban ko ang isang Gobyernong Tapat para sau at sa ating lahat.”

Sa pang apat na araw naman ng kanyang pangangampanya ay umabot na ito sa Luisiana- Cavinti sa lalawigan ng Laguna.

“PULITIKA”, POSIBLENG MOTIBO SA TANGKANG PAGPATAY SA QUEZON MAYOR, AYON SA QUEZON PNP CHIEF

Sonny T. Mallari

INFANTA, Quezon – Isa ang “pulitika” sa mga posibleng motibo sa tangkang pagpaslang kay Mayor Filipina Grace America ng bayang ito noong Linggo, ayon sa pinakamataas na opisyal ng pulis sa lalawigan.

“Isa ang pulitika sa mga subject ng aming isinasagawang validation sa mga possible motives,” ang pahayag ni Colonel Joel Villanueva, Quezon police chief, sa phone interview ng Frontpage araw ng Lunes.

Ngunit niliwanag ni Villanueva na pinag-aaralan din nila ang iba pang posibleng dahilan sa naganap na pamamaril kay America.

Sinabi pa ng opisyal ng pulisya na activated na rin ang kanilang “Election Related Incident Validation Committee” upang tiyakin kung ang naganap na pamamaril sa punong-bayan ay may kaugnayan nga ba sa pulitika o wala.

frontpage online news - Quezon PNP Provincial Director Col. Joel Villanueva
Quezon PNP Provincial Director Col. Joel Villanueva

Si America ang kandidato ng Nacionalista Party sa darating na halalan bilang re-eleksyonistang mayor para sa kanyang ikatlong termino. 

Bukod kay America, may dalawa pang ibang kandidato sa pagka-alkalde sa Infanta sa halalang isasagawa sa May 9.

Si Villanueva ay agad na sumugod sa Infanta upang pangunahan ang inisyal na imbestigasyon matapos na barilin si America.

Kinolekta aniya nila ang footages mula sa mga closed-circuit television (CCTV) cameras sa paligid ng pinangyarihan ng krimen upang makilala ang lalaking bumaril kay America.

Ngunit hindi optimisko si Villanueva sa anumang makukuhang materyales mula sa CCTV dahil kakaunti lang aniya ang mga nasabing gadgets sa lugar.

Nagsasagawa rin aniya ng mga interviews sa mga nakakakita sa pagbaril at sa mga malalapit na tao kay America para makakuha pa ng iba pang impormasyon.

Noong Linggo ng hapon ay binuo na rin ang Special Investigation Task Group (SITG) upang manguna sa imbestigasyon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Police Brigadier General Antonio Yarra, director ng Police Regional Office IV-A: “We will leave no stone unturned to determine the possible motive of the shooting. 

Si America ay ay pinaulanan ng putok ng isang lalaki na may baril na kalibre 45 habang sakay ang alkalde sa sasakyan ng pamahalaan, Chevrolet Trailblazer sa Barangay Poblacion 1 bandang 11:15 ng umaga.

Ang biktima ay katatapos lang na umatend ng religious service sa katabing kapilya ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) kasama ang kanyang personal assistant at empleyado ng munisipyo na si Vergie Borreo at tsuper na si Alvin America nang ratratin siya ng putok.

Mabilis na tumakas ang lalaki pagkatapos ng pamamaril.

Tinamaan ang mayor sa kanang braso at ligtas naman ang dalawa niyang kasama na parehong walang tama.

Narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang dalawang slugs at anim na basyo ng bala.

Sa ulat ng pulisya, balak na todasin si America sa isinagawang pamamaril.

Si America ay inilipat sa isang ospital sa Metro Manila noong Linggo ng hapon para sa patuloy na pagpapagamot. Hindi binanggit sa police report kung saan ang ospital para sa kanyang seguridad.

Agad na umani ng kundenasyon ang tangkang pagpatay kay America.

Nagpahayag si Governor Danilo Suarez ng matinding kalungkutan at pagkabahala sa naganap na karahasan laban sa isang nanunungkulang mayor sa lalawigan.

“Ako ay lubhang nalulungkot at nababahala sa pangyayaring ito. Mariin nating kinukundena ang karahasan sa ating lalawigan, at sa pagbabanta sa buhay ng sinuman, maging opisyal ng pamahalaan o sibilyan,” ang sinabi Suarez sa public video message sa social media noong Linggo ng gabi.

Dagdag pa niya: “Walang lugar sa sibilisadong lipunan ang ganitong gawain at kasamaan”.

Sa unang pahayag ni Suarez matapos ang insidente, sinabi niya na “hindi dapat mamayani ang takot at karahasan sa lalawigan ngayong panahon ng eleksyon.”

Maging si Bishop Bernardino Cortez, ang pinuno ng Prelatura ng Infanta, ay kinundena rin ang tangkang pamamaslang.

“Kailanman ay hindi maaaring maging solusyon ang karahasan sa mga suliranin at usapin ng hindi pagkakaunanawaan bagkus magiging daan pa ito ng pagkakahati-hati ng mga tao. Ang Simbahan kahit kalian ay magiging isang propeta ng katarungan, katotohanan at katapatan,” ani Cortez sa kanyang pahayag.

frontpage online news - Bishop Bernardino Cortez
Bishop Bernardino Cortez

“Nawa ay magkaroon ng katarungan ang karumal dumal na pangyayaring ito,” ang dagdag pa niyang sinabi.

Humihiling siya na ipagdasal ng mga mamamayan ang kaligtasan ni America.

TRUCK NAHULOG SA BANGIN SA QUEZON, 2 PATAY, 4 SUGATAN

Ang mga miyembro ng Infanta Emergency Response Team na sumaklolo sa mga biktima ng nahulog na truck. (photo from Infanta ERT)
Ang mga miyembro ng Infanta Emergency Response Team na sumaklolo sa mga biktima ng nahulog na truck. (photo from Infanta ERT)

Allan Llaneta

Dalawa ang kumpirmadong patay habang apat naman ang sugatan matapos bumulusok sa bangin ang isang delivery truck sa brgy Magsaysay sa Infanta Quezon Martes ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasawi na sina Roberto Vicente, 58 taong gulang, drayber ng truck at si Josept Galang, 47, isang electrical engineer.

Sugatan naman sina Archie Vicente, Norly Buco, Virgilio Chico at Marilou Sangil.

Ayon sa Infanta Municipal Police, Binabagtas ng isang truck na Mitsibushi Canter na may plakang RCW 195 ang kahabaan ng national highway sa nasabing lugar nang bigla na lang mawalan ng preno at dumiretso sa bangin.

Galing umano sa Calumpit Bulacan ang mga biktima at magdedeliver lamang ng construction materials sa Infanta nang mangyari ang insidente.

Kasalakuyan ginagamot sa ospital ang mga sugatang biktima.