18-ANYOS NA BABAE, PATAY SA PANANAKSAK NG KA LIVE –IN SA LAGUNA

📷 Biñan PNP

Ylou Dagos

Patay ang isang 18-anyos na babae matapos na ito at ang kanyang pinsan ay pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Brgy. Langkiwa Biñan City, Laguna nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, matinding selos ang dahilan ng insidente.

Kinilala ang biktima na si Rochelle Ann Flores, isang estudyante.

Nagtamo ito ng tatlong panay fatal na tama ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sugatan din ang 14-anyos na pinsan nito na si Jimsher Soriaga na kasama nitong nakatira sa bahay.

Batay sa report ng Biñan City police, dakong alas 4:00 ng madaling araw nang pwersahang pasukin ng 21-anyos na suspek na si John Dave Bernabe ang bahay na tinutulugan ng mga biktima at unang sinaksak ang ka-live in at saka isinunod ang pinsan.

Mabilis itong tumakas matapos ang pananaksak subalit agad din itong naaresto sa follow up operation ng mga pulis sa Baclaran, Paranaque City.

Ayon kay PLTCOL Virgilio Jopia, hepe ng Biñan City police, nagkakalabuan na ang dalawa at gusto ng humiwalay ng biktima na siyang ikinagalit ng suspek .

Nakakulong na ang suspek sa Biñan City police station lock up cell at sinapahan na rin ng mga kasong murder at frustrated murder.

HIGHWAY SA LAGUNA, NALUBOG SA BAHA DAHIL SA BAGYONG KARDING

📷 Raj Amor

Ylou Dagos

Binaha ang ilang bahagi ng national highway sa Manila East road sakop ng bayan ng Mabitac, Laguna dahil sa mga pag-ulan dulot ng bagyong Karding.

Ayon sa Laguna PDRRMO, nasa may kalahating kilometro ang haba ng kalsada na nalubog sa tubig-baha sa pagitan ng bayan ng Mabitac at Sta Maria.

📷 Raj Amor

Nagsimulang umanong tumaaas ang tubig dakong alas 2:00 ng madaling araw nitong Lunes matapos na huminto ang pag-ulan.

Nanggaling anya ang tubig sa matataas na bahagi ng lugar na kalapit lamang ng kabundukan ng Sierra Madre.

Dahil dito, stranded ang maraming motorista sa magkabilang dulo na patungo sa Metro Manila at Rizal galing sa   Laguna at Quezon at vice versa.

Tanging ang malalaking sasakyan lamang ang nakakalusot.

Hanggang kanina dakong alas 10:00 ng umaga ay nanatiling mataas ang tubig-baha.

Samantala maging sa town proper at 7 barangay ng  Mabitac ay nasa ilalim pa rin ng abot hanggang binti na tubig baha hanggang ngayon.

MAG-AMANG WANTED SA KASONG MURDER SA LEYTE, NADAKMA SA LAGUNA

📷 Laguna PNP

Ylou Dagos

Nagwakas ang tatlong taong pagtatago ng mag-amang wanted sa kasong murder at attempted murder sa probinsya ng Leyte matapos na ang mga ito ay matunton ng mga awtoridad sa kanilang pinagtataguan sa Calauan, Laguna.

Batay sa report ng Laguna PNP, magkasunod na naaresto sina Richard Palconit, 34 anyos, at ang tatay nito na si Felimon Palconit, 69, sa dalawang operasyon sa Barangay Dayap noong Miyerkules at Huwebes.

📷 Laguna PNP

Ang mag-ama na  parehong taga Brgy. Toctoc, Leyte ay kapwa wanted sa mga kasong murder at 3 counts ng attempted murder na isinamapa noong July 17, 2019.

Inaresto ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 36 – Carigara, Leyte.

Batay sa record ng pulisya, nangyari ang krimen noong 2019 sa nasabing probinsya  subalit nagawang makatakas ng mag-ama at nawala hanggang sa matunton ang mga ito sa Laguna.

2 PDL SA CABUYAO CITY JAIL, NASAWI DAHIL SA DIARRHEA

Ylou Dagos

Dalawang inmate o persons deprived of liberty (PDL) ng Cabuyao City Jail sa Laguna ang namatay dahil sa diarrhea.

Ayon sa BJMP, mahigit 80 PDL’s ang nagkasakit ng diarrhea dahil sa kontaminadong tubig sa loob ng jail facility.

Sa huling tala hanggang kahapon, Sept 22, nasa 28 ang diarrhea active cases, 52 ang nasa recovery stage, 2 ang nasawi at lima ang sumasailalim sa dextrose

Ayon kay BJMP spokesman Xavier Solda, sa ngayon kontrolado na ang diarrhea outbreak sa naturang jail facility.

Samantala nag bigay naman ng mga gamot ang Philippine Red Cross o PRC para sa mga PDL ng Cabuyao City Jail, tulad ng Oresol, Metronidazole antibiotics, iv fluids at underpads.

Nagbigay din ng 10,000 litro ng malinis na tubig ang PRC at water bladders na magagamit ng 657 PDL’s.

Inatasan na rin ni BJMP chief Allan Iral ang health service at ang warden ng Cabuyao City Jail na masusing i-monitor ang mga preso.

LALAKI PATAY MATAPOS 2 BESES MASAGASAAN SA SAN PABLO CITY

Ylou Dagos

Patay ang isang lalaki matapos na ito ay dalawang beses na masagasaan sa Maharlika highway, San Pablo City, Laguna nitong Miyerkules ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Rey Concon matapos na magtamo ng mga grabeng pinsala dahil sa dalawang ulit na pagkaipit sa kanya.

Batay sa report ng San Pablo City police, tumatawid ang biktima sa highway nang una itong mabundol ng isang kulay asul na Ford Everest SUV sa may bahagi ng Brgy. San Francisco Calihan .

Tinigilan naman ito ng nakabundol na sasakyan at saglit na bumaba ang driver subalit kaagad din itong  sumakay at pinatakbo na ang sasakyan patungo sa direksyon ng bayan ng Tiaong, Quezon.

Habang nakahandusay ang biktima sa gitna ng kalsada, nasagasaan  naman ito ng isa pang kotse na minamaneho naman ni Joseph Magracia.

Ayon dito, hindi niya nakita ang nakahigang biktima dahil madilim ang bahagi ng highway at silaw din siya sa ilaw ng mga kasalubong na sasakyan.

Kusang loob itong sumuko sa pulisya samantalang inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng unang nakasagasang driver.

Sinampahan na rin si Magracia ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa San Pablo City prosecutor’s office.

TV ACTOR NA SI DINDO ARROYO INARESTO SA LAGUNA DAHIL SA KASONG PAGLABAG SA CYBERCRIME ACT

📷 Biñan PNP

Ylou Dagos

Inaresto ng mga tauhan ng Biñan City police ang actor at TV personality na si Dindo Arroyo dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 Martes ng gabi.

Ang 61-anyos na si Arroyo na Conrado Manuel Ambrosio sa totoong buhay, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Rosauro Angelito Sicat David, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna.

Si Arroyo  ay nahaharap sa kasong RA 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012” two   counts na may pyansang inirekomenda na nagkakahalagang Php 10,000.00 bawat kaso.

Sa ngayon nasa kustodiya ng BJMP ng  Biñan City si Arroyo habang ang korteng pinagmulan ng warrant of arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto dito.

PEDESTRIAN, MOTORBIKER DEAD IN LAGUNA ACCIDENTS

Sonny T. Mallari

A pedestrian and a motorcycle rider died in separate road accidents Monday in Laguna province on Monday, police said Tuesday, Sept. 20.

Emiliano Marasigan, 55, was crossing at 6:57 p.m. the national road in Barangay Del Remedio, San Pablo City when a tricycle driven by Bobby Villanueva hit him, the Laguna police said.

Marasigan fell on the road, and a passing black sports utility vehicle (SUV) ran over him.

The SUV driver sped off, while the pedestrian, who suffered fatal body injuries, died while being taken to the San Pablo General Hospital.

The police immediately issued a flash alarm for the arrest of the still unidentified driver.

The tricycle driver is under police custody.

In Paete town, motorcycle rider JM Acillar, 18, was hit at 3:10 p.m. by cyclist Eliel Evangelista, 45, in Barangay 4.

Both riders were thrown off their respective vehicles and were taken to General Cailles Memorial General Hospital, also in the locality.

Acillar was not wearing a crash helmet and was declared dead on arrival.

Police arrested Evangelista, who was under the influence of liquor and is facing criminal charges.

SPEEDY MOTORCYCLIST DEAD IN CALAMBA CITY ROAD CRASH

Sonny T. Mallari

A fast-running motorcyclist died after figuring in a self-accident in Calamba City, Laguna on Friday.

The Region 4A police reported that the victim, Dennis Pajinag, was traveling aboard his motorcycle when he lost control of his vehicle and hit a plastic barrier along the national highway in Barangay Milagrosa at around 8:50 p.m.

The wayward motorcycle subsequently crashed into a concrete post. The victim died on the spot from a fatal head injury.

Footages from a closed-circuit TV camera in the vicinity showed the victim traveling at a high speed.

The report did not say whether the victim was wearing a crash helmet for protection as mandated under the Motorcycle Helmet Act of 2009.

Philippine National Police–Highway Patrol Group data show that the PNP-HPG recorded more than 6,000 motorcycle accidents last year across the country.

10 SUSPECTS YIELD P178,000 ‘METH’, ‘WEEDS’ IN CALABARZON BUSTS

Sonny T. Mallari

Police arrested 10 alleged drug pushers and seized more than P178,000 worth of shabu (crystal meth) and marijuana in buy-bust operations on Thursday and Friday in Cavite, Laguna and Rizal provinces.

The Region 4A police reported that anti-illegal drugs operatives nabbed Victor Managbanag and Joey de Guzman in Barangay Zapote 5 in Bacoor City around 2:10 a.m. Friday.

Authorities seized 10 plastic sachets of meth with an estimated Dangerous Drugs Board (DDB) value of P34,000.

In San Mateo, Rizal, members of the police drug enforcement unit busted Roberto Manansala, Jomar Canasa, Ryan Santos and Jesril Verano in a sting operation in Barangay Maly around 2:05 a.m. Friday.

The group yielded a total of eight sachets of shabu with a DDB value of P26,910.00

Meanwhile, policemen in Biñan City, Laguna collared Myco Garcia and Ronald Anonuevo in Barangay Mamplasan around 11:30 p.m. on Thursday.

Seized from the suspects were dried marijuana leaves or “weeds” weighing 500 grams worth P50,000 as per DDB valuation.

The police also confiscated a motorcycle believed to have been used by the suspects in their illegal drug trade.

Anti-narcotics agents in General Trias City, Cavite arrested Thomas Vepinoza and Jayson Casia after they allegedly sold shabu to a poseur buyer in Barangay San Francisco around 3:40 p.m. on Thursday.

The duo was found in possession of three sachets of shabu with a DDB value of P68,000. 00

All suspects are under police custody and facing charges for violating the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

18 TIMBOG SA PASUGALAN SA ISANG RESORT SA LAGUNA, HALOS KALAHATING MILYONG TAYA, NASAMSAM

📷 San Pablo PNP

Ylou Dagos

Umaabot sa 18 katao ang naaresto sa raid na isinagawa ng mga awtoridad sa isang sugalan na ginaganap sa isang resort sa San Pablo City, Laguna Huwebes ng madaling araw.

Batay sa report ng San Pablo City police, dakong alas 3:20 ng madaling araw, isinagawa ng mga tauhan ng San Pablo PNP at mga operatiba ng RID4A-RSOU ang operasyon sa Sandra Torres Resort na nasa Reverina Subdivision, Brgy San Rafael na ginawang gambling place ng sugal na poker.

📷 San Pablo PNP

Kabilang sa mga naaresto ang mag live-in partner na siya umanong maintainer ng iligal na pasugalan, 11 poker player at 5 empleyado na nagsisilbing mga runner at server.

Ayon sa caretaker ng resort, ang iligal na sugalan ay pinatatakbo ng magkalive-in partner na sina Jeffrey Austria , isang negosyante at live-in partner nito na si Shirley Eustaquio, parehong residente ng San Pablo City.

📷 San Pablo PNP

Narekober ng mga awtoridad ang nasa P461,406.00 bet money, mga poker chips at mga baraha.

Ayon sa report, ilan sa mga nagsusugal ay nagmula pa sa Batangas at sa Metro Manila.

Ayon kay PLTCOL Joewie Lucas, hepe ng San Pablo City police, nagkukunwaring guest sa resort ang mga suspect at saka nagtitipon tipon sa isang hall na ginawang pasugalan.

Kinustodiya ng San Pablo City police station ang mga naaresto at sinampahan na rin ng mga kasong paglabag sa Republic Act no. 9287 o illegal gambling law.