PRODUKTONG BATANGUENO BIDA SA DTI TRADE FAIR SA LIPA CITY

Lyka Manalo

Iba’t ibang produktong gawa ng mga Batangueño ang ibinida sa isinagawang opening ng trade fair ng Department of Trade and Industry (DTI-Batangas) noong Sabado, Setyembre 24.

Ang trade fair na may temang ‘Likha Galing Batangueño – a showcase of Batangas homegrown products ay bukas sa mga mamimili na matatagpuan sa ikalawang palapag ng SM City Lipa hanggang Setyembre 28.

Pinangunahan nina DTI-Batangas Provincial Director Leila Cabreros at Lipa City Councilor Mikee Morada ang ribbon cutting ng nasabing trade fair.

SINGIL SA KURYENTE NG BATELEC 2, MULING BUMABA NGAYONG SETYEMBRE

Marlon Luistro

Lungsod ng Lipa, Batangas – Sa ikalawang sunod na buwan ay muli na namang magbababa ng singil sa kuryente ang Batangas Electric Cooperative 2 (Batelec 2).

Ayon sa inilabas na pahayag sa official Facebook page ng kooperatiba noong ika-21 ng Setyembre, sinabi ng pamunuan ng Batelec 2 na magbababa ang singil sa kuryente sa residential consumers mula sa dating P14.0506 kada kilowatt hour noong Agosto 2022 patungo sa P13.8024 kada kWh ngayong Setyembre.

Bababa rin ang singil sa mga commercial consumers mula sa dating P13.6850 kada kilowatt hour noong Agosto 2022 patungo sa P13.3866 kada kWh ngayong Setyembre.

Samantala, tinatayang nasa P0.2482 kada kilowatt hour naman (kWh) ang ibinaba ng singil para sa residential consumers habang P0.2984 kada kWh naman ang itinaas para sa commercial – low voltage consumers.

Ayon sa Batelec, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa residential rate para sa buwan ng Setyembre dahil na rin sa pag blend ng bagong power supplier ng BATELEC II at murang presyohan sa wholesale electricity spot market (WESM) na nag pagbaba ng presyo Generation cost.

Ipinaliwanag din ng Batelec na ang generation charge ay isang pass-through charge o ipinapasang singil at nagsisilbing collector lamang ang kooperatiba ng nasabing bayarin.

Muli namang nagpaalala ang kooperatiba sa mga konsumidores na maging masinop sa paggamit ng kuryente.

9 NAWAWALA SA LIPA, BATANGAS MULA NOONG 2021

📷 Lipa PNP

Ylou Dagos

Siyam na katao sa Batangas ang nawawala pa mula noong 2021 batay sa inilabas na tala ng Lipa City police.

Ang mga nawawala na nakaalarma sa ibat-ibang police station ng lalawigan ay nagbuhat sa Lipa City, Batangas City, Tanauan City at bayan ng Sta Teresita na pawang nawala sa Lipa City at hanggang ngayon ay wala pang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga ito.

Pinakauna sa talaan ay ang magkasabay na nawala na sina  Bryan Arthur Cuenca , 41-anyos, taga Barangay 10, Lipa City na nadiskubreng nawawala mula pa noong 2:30 ng hapon ng Mayo 30, 2021 kasama si  Limuel Pantua, taga Barangay Bolbok, Lipa City.

Magkasunod namang nawala sina Jerome Mark Balaye , 26 , water refilling driver, single at  residente ng  Brgy. Pacifico, Sta. Teresita, Batangas na nawala noong June 15, 2021 ng umaga; at ang Barangay  kagawad na si Joel Guevarra , ng Purok 5, Brgy. Antipolo Del Sur, Lipa City na nawala naman ng  kasunod na araw noong June 16 ng umaga.

Buwan naman ng July ng magkakasunod na nawala sina Roderick Villaluna ,isang poultry boy mula sa Mindoro at residente ng EDC Poultry Farm sa Brgy. Rizal, Lipa City na nawala noong July 11 ng umaga, samantalang

July 14 naman ng umaga ng mawala rin sa Lipa City ang 27 anyos na construction worker na si Jymer John Paul Andal, taga ng Sta. Teresita Batangas.

Noon namang July 18 ng gabi ng maiulat na nawawala ang tricycle driver na si Hector Caraos  na taga Mataas na Lupa,  Lipa City.

Isa namang 29 anyos na Call Center Agent na  babae na kinilalang si Charito Galang,  ang naiulat na nawawala din noong November 18, 2021 ng hapon.

Pinakahuling naiulat na nawawala noong 2021 ang 24 anyos na Automotive technician na si Jun Jun Purio, residente ng Brgy. Balagtas, Batangas City na nawala na lamang noong umaga ng December 3, 2021.

Hindi naman tinukoy sa report ng Lipa City police kung anong mga huling aktibidad ng mga nasabing missing person bago sila nangawala.

Ganumpaman patuloy  na nanawagan ang Lipa City police na ipagbigay sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang impormasyon sa mga biktima.

SINGIL SA KURYENTE NG BATELEC 2, BABABA NGAYONG AGOSTO

Marlon Luistro

Lungsod ng Lipa, Batangas – Magbababa ng singil sa kuryente ang Batangas Electric Cooperative 2 (Batelec 2) ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa inilabas na pahayag sa official Facebook page ng kooperatiba noong ika-20 ng Agosto, sinabi ng pamunuan ng Batelec 2 na bababa ang singil sa kuryente sa residential consumers mula sa P14.0649 kada kilowatt hour noong Hulyo 2022 patungo sa P14.0506 kada kWh ngayong Agosto 2022.

Bababa rin ang singil sa mga commercial consumers mula sa dating P13.6805 kada kilowatt hour noong Hulyo 2022 patungo sa P13.6850 kada kWh ngayong buwan ng Agosto 2022.

Samantala, tinatayang nasa P0.0142 kada kilowatt hour naman ang ibinaba para sa residential consumers habang P0.0045 kada kWh naman ang ibinaba para sa commercial – low voltage consumers.

Ayon sa Batelec, nagkaroon ng bahagyang pagbaba sa residential rate para sa buwan ng Agosto 2022 na sanhi ng pag blend ng bagong power supplier ng BATELEC II na nagpababa ng presyo ng Generation cost.

Ipinaliwanag din ng Batelec na ang generation charge ay isang pass-through charge o ipinapasang singil at nagsisilbing collector lamang ang Batelec ng nasabing bayarin.

Patuloy namang nagpaalala ang kooperatiba sa mga konsumidores na maging masinop sa paggamit ng kuryente.

2 ARMED DRUG SUSPECTS ARRESTED IN BATANGAS, CAVITE

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY—Police on Wednesday, Aug. 10, arrested two armed drug suspects in Batangas and Cavite provinces.

The Police Regional Office 4-A reported on Thursday, Aug. 11, that anti-narcotics agents collared at 11:50 p.m. Jim Zymon De Castro after he sold a plastic sachet of marijuana or “weeds” to an undercover police in Barangay Bucana Malaki in Naic, Cavite.

During the transaction, the suspect noticed that he was dealing with a policeman and tried to draw his caliber 38. gun, but the cop grabbed the suspect’s arm.

Aside from the undocumented firearm with three bullets, De Castro also yielded six sachets of marijuana.

In Lipa City, a policeman nabbed Marvin Malayba in a buy-bust operation at 1:10 p.m. in Barangay Antipolo Del Norte.

Malayba was found in possession of two sachets of shabu (crystal meth) with a Dangerous Drugs Board value of about P10,200.

Also confiscated from Malayba was an illegal caliber .45 pistol with four bullets.

The authorities also confiscated the car believed to be used by Malayba in his illegal drugs trade.

The suspects are facing charges of violating the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and another case of illegal possession of a firearm.

1 PATAY, 4 SUGATAN MATAPOS SUMALPOK ANG JEEP SA PADER SA  LIPA

Marlon Luistro

Isa ang patay habang apat naman ang nasugatan makaraang sumalpok sa pader ng establisimiyento ang kanilang sinasakyang jeep sa may JP Laurel Highway, Barangay Tambo, Lipa City, Batangas Martes ng madaling araw.

Namatay sa aksidente ang biktimang kinilalang si Christopher Medina.

Sugatan naman ang driver na si Jemuel Hernandez at mga pasaherong sila Patrick Isaac Panganiban, Jaem Medina, at isang menor de edad na biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pasado ala una ng madaling araw tinatahak lamang ng jeep ang nasabing highway patungong Lipa City Proper nang mawalan ng kontrol ang driver pagdating sa pakurbang bahagi ng daan hanggang sa diretsong sumalpok sa pader ng isang business establishment.

Sa lakas ng impact ay wasak at nayuping parang lata ang unahan ng jeep habang nagtamo naman ng mga injuries sa katawan ang driver at mga sakay nito.

Dead on arrival na sa Lipa City District Hospital ang pasaherong si Christopher habang nagpapagaling naman sa magkahiwalay na mga ospital ang apat pa kabilang na ang driver na si Jemuel.

Nag uusap na ang magkabilang panig para sa posibleng areglo ng naaksidenteng driver at naulilang mga kaanak ng biktimang si Christopher.

ELECTION PROTEST NI SABILI VS AFRICA, IBINASURA NG COMELEC

EX Mayor Meynard Sabili / Lipa Mayor Eric Africa

Marlon Luistro

Lungsod  ng Lipa, Batangas – Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang  election protest ni dating Lipa Mayor Meynard Sabili laban sa katunggaling si Mayor Eric Africa dahil sa kakulangan ng ebidensya at nilalaman.

Sa pitong pahinang desisyong inilabas ng poll body na pirmado ni Presiding Commissioner Marlon Casquejo at Commissioner Rey Dulay, sinabi nitong ang alegasyon ni Sabili kabilang na ang mga inilakip na affidavits ay pawang base sa mga personal na pagdududa, takot at pagpapalagay at hindi base sa  kung ano ang resulta ng nasabing eleksyon.

Binigyang diin nito ang pahayag ng nagpoprotesta kung saan sinabing ,”It is only through the  manual counting and/or conducting recounting of the ballots by way of this protest that the automated election system will be tested if indeed it delivered a fraud free election.”

Ayon sa Comelec, ito ay nagpapakita lamang na maging ang nagpoprotesta ay hindi tiyak kung talagang may nangyaring dayaan, iregularidad at anomalya sa May 2022 National at Local Elections.

Bigo rin aniya ang kampo ni Sabili na  mapatunayan ang alegasyon nito na ang malawakang pagkasira ng  vote counting machines sa lahat ng barangay sa Lipa City ay nagbigay daan sa pandaraya sa eleksyon, iregularidad at anomalya.

Dahil dito ay ibinasura ng Comelec Second Division ang election protest ni Sabili at inirefer sa Comelec Law Department para sa tamang imbestigasyon ang alegasyon hinggil sa nangyaring umanoy dayaan, iregularidad at anomalya noong nakaraang halalan.

Matatandaang noong Mayo 20 ay naghain ng election protest si Sabili para hilingin ang  manual / administrative recount ng mga balota at iba pang dokumento ng eleksyon sa lahat ng 333 protested clustered precincts sa lungsod ng Lipa.

Hiniling din niyang matapos ang mga pagdinig ay ipawalambisa ang pagkapanalo ni Africa bilang mayor at ideklara si Sabili bilang nanalong alkalde ng Lipa pero hindi ito kinatigan ng Comelec.

Batay sa official Comelec results ay nagwagi si Africa bilang mayor ng lungsod ng Lipa sa botong 138,674 laban sa katunggaling si Sabili na may 45000 boto at Retired General Nestor Sanares na may 6,018 boto.

Ikinagalak naman ng kampo ni Africa ang pagkakadismiss ng election protest ng kanyang katunggali.

“Ito ay isang testamento na ang mandato ng mga tao ay hindi maaaring balewalain sa pamamagitan ng puwersa, kasinungalingan at/o masamang motibo. Ang kalooban ng mga manghahalal ay palaging magiging pinakadakilang sandata ng ating demokratikong estado,” ani Africa sa  inilabas na  pahayag sa  kanyang official FB page noong Hulyo 19.

“Sa katunayan, ang desisyon ng Comelec ay muling nagpatunay sa lumang Mantra – “Ang Katotohanan ay Mananaig.”

Wala pang pahayag ang kampo ni Sabili sa nasabing desisyon ng Comelec.

BOGUS LTFRB PERSONNEL ARRESTED FOR ILLEGAL FIREARMS

by Roselle R. Aquino

Camp Vicente Lim, Calamba City – Elements of the Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) Batangas arrested a suspect pretending to be a personnel of LTFRB in an operation at Purok 4, Barangay Lodlod, Lipa City, Batangas.

The suspect was identified as Virgilio Franco who was arrested due to illegal possession of firearms per Search Warrant issued by Hon. Leo-Jon Ramos, Presiding Judge of RTC, Branch 85, Lipa City, Batangas.

An unlicensed caliber 45 pistol, caliber 38 revolver and ammunition were recovered from the suspect.

In a report, Col Marlon Santos, Regional Chief of CIDG RFU 4A, said that the suspect misrepresented himself to be an employee of LTFRB Regional Office in Lipa City, Batangas and bragged that he is a close friend of the Chairman of the agency.

The suspect preyed on operators of buses, UV Express and jeepneys with expired franchises. He allegedly lured the victims that he can process and fix their problems of expired franchises in exchange for Php 250,000.00 per impounded vehicle. The suspect who is projecting himself as a person in authority was often seen in possession of firearms while transacting business with the victims. 

After the suspect collects money from the unsuspecting victims, he stopped communicating with them and was nowhere to be found, leaving the victims hopeless, penniless and their vehicles still in the impounding areas.

The victims immediately sought the help of CIDG Batangas PFU who subsequently coordinated with the LTFRB Regional Office which confirmed that Franco is not an employee of the LTFRB. Further coordination with the PNP Firearms Explosives Division revealed that the suspect is in possession of firearms with expired registration, thus, the application of a Search Warrant.

1 PATAY, 1 SUGATAN MATAPOS MABUNDOL NG SUV SA LIPA CITY

Marlon Luistro

Isang lalaki ang patay habang isa pa ang sugatan matapos na mabundol ng SUV sa may JP Laurel Highway, Barangay Marawoy, madaling araw nitong Linggo.

Nasawi sa aksidente ang biktimang kinilalang si Limuel Quiambao, 29 anyos, habang sugatan at nagpapagaling pa rin sa mga tinamong injuries sa katawan ang 17 anyos na si Jay Em Yumol. Kapwa sila construction worker at residente ng Arayat, Pampanga.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng madaling araw naglalakad lamang ang mga  biktima sa shoulder ng nasabing highway nang bigla na lamang silang mahagip ng humaharurot na Mitsubishi Montero sport.

Naisugod pa sa Lipa City District Hospital ang mga biktima pero idineklara nang dead on arrival ng doktor si Quiambao.

Naaresto naman ng pulisya ang driver ng Montero sport na si Patrick Kyle Castillo, 24 anyos at taga-Barangay Bagong Pook, Lipa City,  na unang umaming nakainom nang mangyari ang insidente.

Hawak na ng Lipa City Police Station ang driver na nahaharap sa kasong Reckless  Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injury. Wala pa siyang pahayag sa insidente.

EXTRA BONGGANG ALAGA PET SHOW

Marlon Luistro

Sa Lipa City, Batangas, isang kakaibang fashion show ang natunghayan ng mga manonood.

Sa halip na mga tao lang ay kasama nilang rumampa sa catwalk ang kanilang mga alagang aso, pusa at iba pang mga pets sa ginanap na Extra Bonggang Alaga Petshow noong Miyerkules ng umaga sa Lipa City Hall.

Kinabilangan ito ng mga pet lovers and owners participants kasama ang kanilang mga bibo at mga cute na cute na pets.

Game na game na rumampa ang 40 kalahok, mapa-Shitzu man, Poodle, Pomeranian, Chow-chow, Persian Cat man, Siamese cat man o iba pang mga lahi, suot ang kanilang magagarang mga costumes para magtagisan sa paglakad sa stage.

Hinati sila sa cutest pet, malu pet, pooch fashionista / best dressed dog at posh pussy / best dressed cat category.

Agaw pansin sa audience ang Pomeranian na si Mallory na nag-ala Wonderwoman. Kung paseksihan at paiksian din lang ang pag-uusapan ay di rin padadaig ang isa pang Mini Pinscher na ito na rumampa kasama ng amo sa stage suot ang ballet dress.

Bilib na bilib din ang mga manonood nang makita nila ang Shitzu na si Candy na naka-tribal costume kasama ang kanyang amo gayundin ang asong na nag ala- majorette.

Mala-Kobe Bryant naman ang porma ng mixed breed dog na si Blacky na tinilian din ng kanyang mga taga-hanga.

Mayroon ding asong nag-ala cowboy, meron ding nag ala- doctor habang ang iba namay nagsuot ng pajama at polo shirt.

Di rin padadaig ang mga pusa gaya na lamang ng Persian cat na si Wendy na rumampa suot ang kanyang magarbong gown.

Nakakuha ng first place para sa malupet award ang asong si Mallory na nag ala Wonderwoman kasama ang among si Alexa.

Habang nagchampion naman sa best dressed dog category ang ChowChow na si Magic.

Champion din sa best dressed cat category ang Persian cat na si Wency.

Habang first place naman sa cutest pet category ang asong Shitzu na si Luffy na nakagown costume.

Para sa mga nagwagi sa best dressed cat at best dressed dog category, ang first placer ay tumanggap ng P3000, trophy at gift pack, nasa P2000 plus gift pack naman ang tinanggap ng nasa ikalawang puwesto habang tumanggap ng P1000 plus gift pack naman ang 3rd placer.

Ang mga nanalo sa cutest pet category ay tumanggap ng P5000, trophy at gift pack ang first place, P3000 at gift pack ang 2nd place habang P2000 at gift pack naman ang 3rd place.

Ang mga nagwagi naman sa malupet category ay tumanggap ng P7000 plus trophy at gift pack ang 1st place, P5000 at gift pack ang 2nd place at P3000 at gift pack ang 3rd place.

Bawat isa sa mga sumali naman ay tumanggap din ng consolation prize mula sa mga sponsors kayat walang umuwing luhaan.

Ang pet show ay bahagi ng pagdiriwang ng 75th Foundation day ng Lipa City.
Sa kanyang talumpati bago ang pacontest ay binigyang halaga ni Mayor Eric Africa ang pagpopromote ng responsible pet ownership.

“Hindi rin natin pwedeng kalimutan siyempre yung ating mga alaga. Dahil ang isang tao po talaga ay nasusukat ang kanyang pagkatao kung gaano po siya kagaling at kagandang makitungo especially sa mga pets po natin,” aniya.

Kailangan din aniyang hikayatin ang mga batang mag-alaga ng mga hayop dahil dinedevelop nito ang kanilang karakter at pag-uugali pag mayroong alagang hayop.

Higit na importante pa aniya ito ngayong panahon ng pandemya kung saan “kulang sa komunikasyon” ang mga bata sa kanilang mga kapwa kaklase at mahalagang mayroon aniyang alagang mga hayop “na pupuwede nilang pagkaabalahan.”