CRIMINOLOGY STUDENT, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA SA LUCENA CITY

Allan Llaneta

Arestado ng mga awtoridad sa isang drug buy bust operation ang isang Criminology student sa bahagi ng barangay Uno sa Lucena City nitong Miyerkules ng umaga ( Sept 21 ).

Kinilala ni Lucena City Police Chief Colonel Reynaldo Reyes ang naarestong suspek na si John Dave Ariles , 22 anyos isang graduating Criminology student.

Ayon sa mga pulis pasado alas 8:00 ng umaga nang masakote ang suspek makaraang nagpanggap na bibili ng marijuana ang isa sa mga operatiba.

Nakuha sa pag-iingat ni Ariles ang 12 piraso plastic ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 498 thousand, drug paraphernalia at isang 500 peso bill na ginamit bilang buy bust money.

Nasa kustodiya na ngayon ng Lucena City Police ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa rito.

ISANG ARAW BAGO ANG SIMULA NG KLASE, MGA MAGULANG NAGKUKUMAHOG PA RIN SA PAGBILI NG MGA GAMIT-ESKWELA NG MGA ANAK

Isang araw bago ang pag-arangkada ng 2022 -23 school year face to face classes ay kandakumahog ang mga magulang sa pamimili ng mga gamit-eskwela ng kanilang mga anak.

Sa Lucena City, 3 araw nang ganito ang sitwasyon kung saan maaga pa lamang ay nakapila na ang mga mamimili sa mga school supplies store at maging sa mga side walk stalls na nagtitinda ng mga gamit-eskwela.

Ayon sa mga magulang, mas pinipili nilang mamili sa mga maliliiit na tindahan, palengke  at sa mga sidewalk dahil mas mura nilang nabibili ang mga gamit dito kumpara sa mga malls.

Ayon pa sa mga namimili, bukod sa mga school supplies tulad ng mga notebook, papel, lapis, ballpen, colors at iba pa, ay kelangang ibili rin nila ng mga bagong uniporme ang kanilang mga estudyante.

Bagamat hindi naman anya required ngayon sa mga estudyante na magsuot ng school uniforms sa pagpasok, pero ayon sa mga magulang mas makakatipid  pa rin sa damit  kung school uniforms ang gagamitin ng kanilang mga anak  keysa sa mga free style na kasuotan.

Marami anya kasi sa mga dating  uniform ng kanilang mga anak ay nagsipagliitan na dahil sa pagkakatengga ng dalawang taon na hindi nagagamit.

Yung ibang nag last minute shopping at nakikipagsiksikan ay dahil umano sa ngayon lamang sila nagkaroon budget para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa pagpasok na nangangailangan din ng malaking halaga lalo  na at marami silang anak na pinapag-aral.

MGA KUKUHA NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA QUEZON DAGSA NA

Ylou Dagos

Sa unang araw ng pagbibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng financial assistance para sa mga indigent students, pila na agad ang mga kukuha nito sa Quezon.

Ala una pa lamang ng madaling araw  ay may nagsimula nang pumila sa labas ng  Special Project Unit (SPU) compound  sa Lucena City kung saan gagawin ang distribution.

Pamamahalaan ng mga tauhan ng national DSWD ang distribution ngayong araw.

Ang mga naunang pumila ay nanggaling pa sa mga malalayong bayan sa Quezon.

Ayon sa Local CSWD na siyang namamahala sa venue, alas 7:00 pa  magsisimula ang pagbibigay ng educational assistance subalit dahil sa unang araw pa lamang ngayon, dadaan muna sa  preliminary assessment ang mga applicants  kung  qualified ba sila para sa naturang financial aid.

Target ng DSWD na makapagbigay sila sa nasa 1,200 hanggang 1,500 beneficiaries ngayong araw.

MUNGKAHING BLOOD DONORS SA BAWAT BARANGAY SA LUCENA CITY, ISINULONG SA SANGUNIAN

Allan Llaneta

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena ang resolusyon para sa pagbibigay ng kahalagahan at pagmamalasakit sa kalusugan ng mga Lucenahin.

Sa  pribilihiyong pananalita ni Councilor Beth Sio sinabi nito ang kanyang tatlong mungkahi kabilang ang  pangangailangan ng dugo ng mga Lucenahin, ang maaaring solusyon sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding at ang advantage at qualifications ng pagiging isang donor.

Ayon sa resolusyong, ang kahalagahan umano ng dugo sa oras ng may pasyenteng naaksidente,  sasalang sa operasyon at yung mga manganganak.

Importanteng bagay umano habang wala pang sariling ospital ang Lucena.

Sinabi pa ni Sio ay dapat maging libre na ang processing fee ng mga Lucenahin pagkukuha ng dugo sa Red cross.

Ayon pa rito marapat na magkaroon ng Blood Donors Day sa bawat barangay upang mabatid din ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaloob ng dugo.

TRICYCLE DRIVER NA MAY NEGOSYONG 5-6, PATAY SA PAMAMARIL SA LUCENA

Ylou Dagos

Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin habang ito ay nakahinto sa harap ng isang  tindahan ng tubig sa Barangay Dalahican, Lucena City Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Michael Abonita, taga Brgy. Talao-talao, Lucena City at may negosyong 5-6.

Batay sa report ng Lucena City police, mag aalas 9:00 ng gabi, sakay ang biktima sa kanyang tricycle nang huminto ito sa tapat ng isang bahay na bilihan ng tubig.

Subalit bigla na lamang itong nilapitan ng hindi nakilalang gunman at binaril ng tatlong beses sa ulo.

Mabilis ding tumakas ang ang suspek matapos ang pamamaril.

Agad namang nasawi ang biktima na hindi na nakababa sa driver seat ng motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen.

DRUG SUSPECT ON POLICE WATCHLIST FALLS IN LUCENA CITY BUST

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY — An alleged notorious drug pusher was arrested here Saturday morning and yielded P53,000 worth of shabu (crystal meth), police said.

The arrested suspect was identified as Jonathan Pilar, 27, a resident of this city, Lt. Colonel Reynaldo Reyes, Lucena police chief, said in a report.

Anti-narcotic agents collared Pilar after he sold P500 worth of meth to a police agent in Barangay Ibabang Iyam at 6:53 a.m.

Authorities seized six plastic sachets of shabu for distribution to drug users with a street value of P53,040.

Police tagged the suspect as included on the drug watch list as an identified street-level peddler of illegal drugs.

The suspect was detained and is facing charges for violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

CALABARZON COPS NABBED 2 NIGERIAN, FILIPINA OVER ALLEGED BANK HACKING

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY—Two Nigerians and their Filipina cohort were arrested Wednesday for allegedly hacking a bank account of an Indian national, the Police Regional Office (PRO) 4-A reported Thursday, August 11.

Brigadier General Antonio Yarra, PRO 4-A chief, identified the suspects in a report as Nigerians Samuel Nomso Esomchi, 42; Taye John Bamidele, 40; and their local accomplice, Gladys Francisco, 47.

Francisco was arrested first at around 2 p.m. after she tried to withdraw P400,000 remittance money for the account of the Indian businessman, who lives in Bacoor, Cavite, at a China Bank branch in San Pedro City, Laguna.

Without Francisco’s knowledge, the remittance had been red-flagged by the bank’s central office as “hacked and a possible fraud.”

The bank manager alerted the security guards and the local police, which led to the arrest of Francisco.

In the follow-up operation, the police arrested Esomchi in a gasoline station while Bamidele was collared inside a shopping mall.

The two were found with P1,400,000 cash suspected to have been withdrawn from hacked bank accounts.

The three suspects were detained and face criminal charges for swindling/estafa and violating the Cybercrime Prevention Act of 2012.

In a statement, Yarra said: “Isa nanamang kahanga hangang aksyon ang ating nasaksihan mula sa ating kapulisan, sa kanilang pagtutulungan para maresolba itong kriminalidad na ito”.

He added: “Asahan ninyo na ang inyong PRO Calabarzon ay handang umagapay sa inyo at maglingkod ng tapat, may puso at malasakit sa lahat ng ating kababayan na nangangailangan ng aming tulong.”

PALACE DECLARES AUG. 20 A NON-WORKING DAY IN LUCENA CITY

Aerial view of Lucena City (Photo by Danny Ordoñez)

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Malacañang has declared August 20 a special non-working holiday in this capital city of Quezon province to mark its 61st Charter Day anniversary.

Proclamation No. 34, issued August 8 and signed by Executive Secretary Victor Rodriguez, stated: “It is but fitting and proper that the people of the City of Lucena be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies.”

A copy of the proclamation was posted on social media on Wednesday, August 10.

Rodriguez, however, stressed that the celebration will be “subject to the public health measures of the national government” due to the COVID-19 pandemic.

As of August 10, the city has 35 COVID-19 infected residents from only two on June 3.

Lucena became a chartered city on June 17, 1961 by virtue of Republic Act No. 3271.

But the local government celebrates the occasion every August 20 to commemorate its formal inauguration as a city on August 20, 1962.

Lucena is now classified as a highly urbanized city.

NIYOGYUGAN FESTIVAL SA QUEZON BUBUHAYIN

Ylou Dagos

Pagkaraan ng dalawang taong pagkatengga dahil sa pandemic, pinaghahandaan na ang muling pagdiriwang ng Niyogyugan festival sa lalawigan ng Quezon.

Nagsimula noong 2011, ginaganap ang festival sa provincial capitol ground sa Lucena City tuwing buwan ng Agosto na  naglalayong mabigyang parangal ang mga magsasaka ng niyog sa lalawigan ng Quezon.

Ang Quezon ay isa sa mga probinsyang nangunguna sa produksyon ng niyog at ganoon din ang pagpapasigla ng turismo.

Nagsimula ito bilang pet project ng noon ay Quezon 3rd district Congresswoman Aleta Suarez at ina ng dating gobernador David Suarez.

Hinango ito sa pangalang “Niyog” na pangunahing produkto ng Quezon at “Yugyugan” na may kahulugang kasamahan tv para sa mga lalahok at mga manonood.

Unang inakala ng mga magsasaka at mga turista na mawawala na ang long week festival na isa sa mga highlights ng Quezon day kasabay din  ng  paggunita  ng  lalawigan  ng kapanganakan ni dating Pangulong  Manuel L. Quezon tuwing  August 19.

Subalit laking tuwa ng mga taga Quezon at maging ang mga turistang dumadayo ng mag-anunsyo ang kapitolyo na ipapagpatuloy ang pagdiriwang  ng festival ng bagong Gobernador Angelina  Tan na tumalo sa mga Suarez nitong nakaraang halalan.

Subalit sa opisyal na pahayag ni Tan, magkakaroon ng ilang pagbabago at recalibration sa pagdiriwang upang makamit anya ang tunay na diwa ng Niyogyugan festival- ang bigyang halaga ang   produktong niyog at ang mga taong nasa likod nito.

Bahagi ng festival ay ang paglalagay ng mga makukulay at mga gawa sa ibat-ibang bahagi ng puno ng niyog na mga booth o kubo ng 39 na bayan at dalawang  lungsod sa Quezon at ang pagtatampok dito ng mga pangunahing produkto ng bawat bayan.

MANGINGISDA NANGISAY SA KORYENTE SA FISH POND

Ylou Dagos

Patay ang isang mangingisda matapos makuryente habang nag-aayos ng  linya ng ilaw nang   malubog ang katawan sa tubig sa Lucena City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng Lucena police ang nasawi na si Robert Ortega, 30 anyos, residente ng Barangay Dalahican.

Batay sa report ng pulisya, bandang alas 10:00 ng gabi, nang bigla na lamang itong mangisay habang  inaayos   ang kable ng ilaw sa isang fish pond.

Ayon sa pulisya, na ground  ito dahil nasa tubig at basa ang ibabang bahagi ng katawan habang nakahawak sa live wire.

Agad nasawi ang biktima na hindi na nakaalis sa tubig kung saan siya natagpuan.