FISH VENDOR PATAY SA PAMAMARIL NG RIDING IN TANDEM SA BATANGAS

Ylou Dagos

Patay ang isang fish vendor matapos na pagbabarilin ng 2 hindi nakilalang suspek sa Nasugbu, Batangas, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa report ng Nasugbu police, dalawang witness ang nakarinig ng mga putok na nagmula sa isang kalsada sa Barangay 2 dakong alas 4:20 ng umaga.

Nang kanilang puntahan, naabutan pa nila ang dalawang suspek na papatakas sakay ng isang kulay itim na motorsiklo.

Nadiskubre din nila ang biktima na duguang nakabulagta sa kalsada at may mga tama ng baril.

Kinilala ito Nasugbu police na si Roderick Sierra, 40 anyos taga Barangay Wawa.

Ayon sa imbestigasyon, patungo sa pagkuha ng isda sa Balayan ang biktima nang ma flat ang service tricycle nito.

Itinutulak ng biktima ang kanyang nasiraang sasakyan ng pagbabarilin ito ng mga suspek.

Nagtamo ito ng mga tama sa katawan at 2 tama sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Mabilis namang tumakas ang magkaangkas na suspek patungo sa direksyon ng JP Laurel national highway.

Inaalam pa ng mga kung ano ang motibo sa krimen.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ng SOCO ang biktima.

8 PATAY SA AKSIDENTE SA BATANGAS KILLER HIGHWAY SA NASUGBU

Ylou Dagos

Walo katao ang patay sa isa na namang malagim na aksidente na kinasasangkutan ng tatlong sasakyan sa tinaguriang killer highway sa Batangas,- ang Nasugbu-Tagaytay highway nitong Lunes ng umaga.

Batay  sa Batangas provincial police office, nangyari ang aksidente dakong alas 4:45 ng umaga sa palusong na bahagi ng highway sakop ng Sitio Lodlod, Barangay Aga bayan ng Nasugbu.

Kinasasangkutan ito ng isang dump truck na kargado ng buhangin, isang motorsiklo at isang Mitsubishi Xpander .

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck na patungo sa direksyon ng Nasugbu galing sa Mexico, Pampanga, habang umo-overtake ito sa isang sasakyan.

Nawalan ng kontrol ang driver at sinagasa nito ang fruit stand na nasa gilid ng kalsada bago ito tumagilid sa highway.

Nadaganan naman nito ang dalawang sasakyan na noon ay kasalubong nito.

Agad nasawi ang 43-anyos na driver ng motorsiklo na si Eduard Ferrer, taga Metroville Subdivision, Barangay Balibago, Sta., Rosa, Laguna, ganun din ang 56-anyos na driver ng Xpander na si Hipolito Sangalang at ang anim pang hindi pasahero nito na pawang taga Barangay Sta. Ana, Calatagan, Batangas.

Bahagyang nasugatan din ang driver ng dump truck na si Bren Bryan Constantino, 28, taga San Ildefonso, Bulacan  at ang dalawang pahinante nito.

Batay sa tala ng Nasugbu police, mula noong 2017, hindi bababa sa 15 katao na ang nasasawi sa mga nangyaring aksidente sa nasabing lugar partikular, sa mga sitio ng Bukaki, Bayabasan at Lodlod, sakop lahat ng Barangay Aga na karamihan ay kinasasangkutan ng mga truck na nawawalan ng preno sa mahabang palusong na ito ng  highway na nasa pagitan ng Tayatay at Palico Junction na nasa boundary ng  bayan ng Nasugbu at Tuy, Batangas.

BINATANG RIDER PATAY SA KURBADA

Ylou Dagos

Dead on the spot ang isang 23-anyos na binata nang ang minamaneho nitong  motorsiklo ay bumangga sa bakal na poste sa gilid ng national highway sa Nasugbu, Batangas Huwebes ng umaga.

Ayon sa report ng pulisya, galing sa Tagaytay City ang biktimang si Marlon Gonzaga  at pauwi na sa kanilang tirahan sa Barangay Biga, Calatagan, Batangas  nang habang tinatahak nito ang pababa at kurbadang bahagi ng  Tagaytay-Nasugbu highway sakop ng Sitio Pasong Kawayan, Barangay Banilad ay mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Sumasad ito sa bangketa at sumalpok sa bakal na poste ng street lights.

Sa lakas ng pagkasalpok nagtamo ito ng grabeng pinsala sa ulo na agad nitong ikinamatay.

RIDING IN TRIO, SUMALPOK SA POSTE,  2 PATAY, 1 SUGATAN

đź“· Nasugbu police

Ylou Dagos

Dalawa ang patay samantalang isa ang sugatan matapos na ang motorsiklong sinasakyan ng tatlo katao ay sumalpok sa bakal na poste at mahulog sa kanal sa Nasugbu, Batangas Huwebes ng gabi.

Parehong dead on the spot ang nagmamanehong si  William Baon¸32 anyos, at ang isa sa backrider na si  Renante Derain, 34 anyos.

Sugatan at isinugod sa Jabez Medical Center ang ikalawang backrider na si Renante Derain, 34.

Batay sa report ng Nasugbu police, dakong alas 6:15 ng gabi, tinatahak ng motorsiklo ang highway sa Barangay Calalo nang pagsapit sa kurbada ay mawalan ng kontrol ang nagmamanehong si Baon.

Sumalpok ang motorsiklo sa bakal na poste ng road marker bago nag shoot sa kanal sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagkabangga, nagtamo ang tatlo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan na agad ikinamatay ng dalawa.

Mabilis na takbo ng motorsiklo ang sinasabing dahilan ng aksidente.

2 PATAY SA PAMAMARIL SA BATANGAS

Ylou Dagos

Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay ng kaso ng pamamaril sa Batangas nitong Martes.

Batay sa report ng Batangas Police Provincial Office, unang nasawi sa pamamaril sa  bayan ng Nasugbu ang biktimang si Marco Ibañez, 45 anyos,  residente ng Sitio Tala, Barangay Munting Indang, Nasugbu, Batangas

Sa imbestigasyon ng Nasugbu police, dakong alas 7:00 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang ito ay harangin ng isang kulay puting kotse na may sakay na dalawang hindi nakilalang lalaki.

Pinagbabril ng mga ito ang biktima at saka mabilis na tumakas.

Dead on the spot si Ibañez dahil sa mga tinamong tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Samantala patay din ang tricycle driver na si Joel Leopangco matapos na ito ay pagbabarilin ng kanyang kabarangay na si Nelson Britaña sa Barangay Palingowak, San Juan, Batangas dakong alas 7:00 ng gabi.

Sakay sa motorsiklo si Leopangco nang abangan ito ng suspek sa kanyang daraanan at biglang pagbabarilin gamit ang kalibre .45 baril.

Hindi na naitakbo sa ospital ang biktima at nasawi noon din.

Tumakas naman ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa dalawang  krimen.

BABAENG KAGAWAD, HINOLDAP AT PINATAY SA BATANGAS

BABAENG KAGAWAD, HINOLDAP AT PINATAY SA BATANGAS

Ylou Dagos

Patay ang isang babaeng barangay kagawad sa panghoholdap na nangyari sa Nasugbu, Batangas noong Lunes.

Kinilala ang Nasugbu police ang biktima na si Gloria Fayton, residente at kagawad ng Barangay Latag.

Ayon sa report ng Nasugbu police, Martes ng umaga nang nadiskubre ng magsasakang si Mariano DeLa Roca ang bangkay ng biktima na  nakasubsob sa lupa sa liblib na lugar ng Sitio Bernanda.

Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasan ng mga imbestigador na may sugat ito sa ulo na umano ay pinalo ng matigas na bagay  na siya nitong ikinamatay.

Ayon kay PLTCOL Jephte Banderado, hepe ng Nasugbu police, panghoholdap ang nakikitang nilang motibo sa krimen matapos madiskubre na nawawala ang dala nitong P50,000.00 cash na pinagbentahan nila ng baka noong araw ng Lunes.

Bago ang krimen, pinuntahan ng biktima ang anak nitong lalaki na nakikipag-inuman sa isang lugar sa kanilang barangay upang kunin ang perang pinagbentahan ng baka at saka naglakad papauwi sa kanilang bahay.

Ayon pa dito, nakita pa ng isang  babaeng witness ang biktima noong Lunes ng gabi habang kasama ang isang  lalaki na kasabay nitong naglalakad bago nangyari ang krimen.

Hindi naman nakilala ng witness ang lalaki dahil nakatalukbong ito sa ulo.

Person of interest ngayon ng Nasugbu police ang nasabing lalaki na ayon sa hepe ay malaki ang posibilidad na taga doon din lamang sa nasabing barangay at kakilala ng biktima.

RSBA ENLISTMENT CARAVAN, ISINAGAWA SA NASUGBU

đź“· DA RFO-4A

Alynna Marie Calayag

Mahigit 305 na magpapalay mula sa 22 barangay sa Nasugbu ang opisyal nang nakatala sa RSBA matapos ang tagumpay na pagpoproseso ng mga requirements sa isinagagawang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Enlistment Caravan sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Pinangunahan ng Department of Agriculture-CALABARZON ang nasabing aktibidad at inaasahan naman na makakatanggap ang mga magpapalay ngayong taon ng dekalidad na hybrid and certified na binhi mula sa National Rice Program.

Layunin ng caravan na pataasin ang bilang ng mga RSBSA registered na magpapalay at maisama sa kabuuang listahan ng National Farmers’ and Fishers’ Online Registry System.

Lubos naman ang pasasalamat ni Banlikan Irrigators Association President, Danilo Mercado sa DA dahil pagbibigay nila ng pagkakataon na matulungan ang kanilang kapwa magsasaka.

Samantala, hinihikayat ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan sa CALABARZON na ipagpatuloy ang pagpapatala ng mga magsasaka at makinabang sa iba’t ibang tulong at programa ng Kagawaran ng Pagsasaka.

SOURCE: DA RFO-4A

TRUCK VS KOTSE: 4 PATAY SA NASUGBU

Tulong tulong ang mga tauhan ng Nasugbu Rescue sa pagsagip sa mga biktima ng aksidente kung saan sinalpok ng 12-wheeler truck ang isang kotse Martes ng madaling araw (đź“· Nasugbu MDRRMC)

Ylou Dagos / Marlon Luistro

Tatlong magkakamag-anak at isang truck driver ang namatay matapos araruhin ng isang 12-wheeler truck ang sinasakyang kotse ng mag-anak sa Nasugbu Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Roland Adrias, 48; Rochelle Adrias Dimaano, 46; at Rachelle Anne Adrias Dimaano , 23, pawang taga Barangay Luntal sa bayan ng Tuy.

Patay din ang truck driver na si Hilario Condez, taga Valenzuela City matapos maipit sa loob ng kanyang truck. 

Isinugod naman sa ospital ang pahinanteng si Rolando Recto Jr, residente ng Caloocan City.

Batay sa report ni PSSg Wilson Mendoza ng Nasugbu police, sakay ang tatlong nasawi sa kotse habang tinatahak ang Tagaytay-Nasugbu highway mula sa bayan ng Tuy patungo sa direksyon ng Maynila nang salpukin ito ng kasalubong na 12- wheeler truck sa Sitio Bukaki, Barangay Aga bandang alas-3 ng madaling araw

Kargado ng coal ang truck mula Bulacan patungong Lian, Batangas nang maganap ang aksidente. 

Ayon pa sa report unang nasabitan ng truck ang isang Ford Escape matapos na ito ay mawalan ng preno sa pababang bahagi ng highway. 

Tumakbo pa ng halos limang kilometro ang truck bago nito nabangga ang kotse ng mga biktima pagdating sa kurbadang bahagi ng highway kung saan nakaladkad pa ang kotse hanggang sa isang bakanteng lote.

Una nang napaulat na tumakas ang driver matapos ang aksidente pero nakita ito ng mga rescuers na naipit pala at patay na sa loob ng kanyang truck. 

3 ANG PATAY, KOTSE INARARO NG TRUCK

Ylou Dagos

Tatlo ang patay matapos salpukin ng rumaragasang truck na nawalan ng preno ang kanilang sinasakyang kotse sa national highway sa Nasugbu, Batangas Martes ng madaling araw.

Sugatan din  ang dalawa pang biktima kabilang ang pahinante ng truck at driver ng isa pang sasakyan na nahagip din ng truck.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Roland Adrias, 48; Rochelle Adrias Dimaano, 46; at Rachelle Anne Dimaano y Adrias, 23, pawang taga Barangay Luntal, bayan ng Tuy.

Isinugod naman sa ospital ang pahinanteng si Rolando Recto Jr, Taga Caloocan City.

Batay sa report ng Nasugbu police, sakay ang tatlong nasawi sa kotse na tinatahak ang Tagaytay-Nasugbu highway mula sa bayan ng Tuy patungo sa direksyon ng Maynila nang salpukin ito ng kasalubong na 12 wheeler truck. 

Kargado ng coal ang truck mula Bulacan patungong Lian, Batangas nang maganap ang aksidente dakong alas 3:00 ng madaling araw.

Ayon pa sa report unang nasabitan ng truck ang isang Ford Escape  matapos na ito ay mawalan ng preno sa pababang bahagi ng highway sa Barangay Aga.

Tumakbo pa ng halos limang kilometro ang truck bago nito nabangga ang kotse ng mga biktima pagdating sa kurbadang bahaging highway sa  Sitio Bukaki, Brgy Aga kung saan nakaladkad pa ang kotse  hanggang sa isang bakanteng lote.

Halos nawasak ang buong kotse at nagtamo ng mga grabeng pinsala ang mga sakay na siyang agarang ikinasawi ng mga ito.

Tumakas naman at pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ang driver ng truck na si Hilario Condez, taga Valenzuela City na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injury at damage to properties.

24 SUGATAN MATAPOS MAHULOG ANG JEEP SA BANGIN SA NASUGBU, BATANGAS

Photos: Alex Pimentel

Marlon Luistro at Nicole Urbano

Aabot sa 24 kataong magkakaanak ang sugatan kabilang ang driver matapos na mahulog sa may apat na talampakang bangin ang sinasakyan nilang inarkilang pampasaherong jeep sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas kaninang ala-1:40 ng hapon. 

Photos: Alex Pimentel

Ayon sa Nasugbu police, paahon na ng mga oras na iyon ang jeep na minamaneho ni Dominador Paulino sa matarik na bahagi ng kalsada nang magkaroon ito ng mechanical problem at mabilis itong umatras hanggang sa bumangga sa concrete barrier bago tuluyang mahulog sa nasabing bangin. 

(photo by Nasugbu PNP)

Sa lakas ng impact ay bumaliktad ang nasabing jeepney habang nagtamo naman ng mga sugat at bali sa katawan ang driver at mga pasaherong sakay nito.

Pinakabata sa nasugatan ang dalawang taong gulang na batang lalaki habang pinakamatanda naman ang 71 anyos na lolong si Dionito Guillermo.

Nagtulong tulong ang mga tauhan ng pamahalaan para iligtas ang mga pasaherong sakay ng jeep na nahulog sa bangin sa Nasugbu (photo by Nasugbu PNP)

Galing ng outing ang magkakaanak na kapwa pauwi na ng Silang, Cavite nang mangyari ang aksidente. 

Lumalabas na overloaded ang nasabing jeep na ayon sa mga opisyal ay isa sa mga dahilan kung bakit nahirapan ito pag-ahon.

(photo by Nasugbu PNP)

Sa mga oras na ginagawa ang balitang ito wala pa namang naitatalang namatay sa insidente. 

Dinala na sa Jabez Medical Center at Apacible Memorial Hospital ang mga nasugatang biktima, kabilang na ang driver ng jeep na nagtamo ng collar bone fracture. 

(photo by Nasugbu PNP)

Ang ilang mga hindi naman napuruhan sa aksidente ay pansamantalang kinupkop ng pamunuan ng Barangay Natipuan habang hinihintay ang kanilang sundo.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.