ARMY, NPA CLASH IN BATANGAS

Sonny T. Mallari

Army soldiers and suspected New People’s Army (NPA) rebels clashed on Thursday, Sept. 8, in San Juan town, Batangas province.

The Batangas police reported that patrolling soldiers led by Sergeant Michael De Mesa from the Army’s 201st Infantry Brigade at 3:10 p.m. chanced upon at least 10 alleged communist guerrillas in Barangay Quipot.

The battle lasted for 10 minutes, after which the rebels withdrew.

The police reported no casualties on both sides.

The soldiers recovered an unexploded M203 grenade, a bolo, and personal belongings left by the rebels at the encounter site.

Troops have been deployed to pursue the rebels.

SEASONAL FARMWORKERS PROGRAM NG SAN JUAN, BATANGAS, MAHIGIT 500 MAGSASAKA NAIPADALA SA SOUTH KOREA

📷 San Juan LGU

Ylou Dagos

Umaabot na sa mahigit 500 magsasaka ang naipadala ng San Juan, Batangas sa bansang South Korea bilang mga seasonal farmworkers.

Matapos matigil nitong pandemic, muling umarangakada ang nasabing programa ng San Juan LGU nitong Marso kungsaan hanggang nitong buwan ng June ay umaabot na sa 505 na magsasaka mula sa ibat-ibang barangay ng nasabing bayan ang naipadala sa Hongcheon-Gun Gangwon-do Province sa South Korea na binubuo ng 9 na batches.

Ayon kay Jun Sevilla, secretary ng San Juan LGU at International Coordinator for Mutual Cooperation, nagsimula ang programa sa pamamagitan ng pagiging sister municipalities ng San Juan at ng Hongcheon-Gun Gangwon-do Province kungsaan mismong dumalaw sa San Juan ang mga opisyal ng nasabing lalawigan.

Limang buwan ang itinatagal ng isang indibidwal na makakasali sa programa kungsaan nakakatanggap ang mga ito ng humigit kumulang na suweldo na P85,000.00 pesos bawat buwan.

Sagot ng mga may –ari ng destinasyon na farm sa South Korea ang lahat ng gastos sa papeles at travel ng mga aplikante.

Nagiging trabaho ng mga magsasaka ay ang pagtatanim ng ibat-ibang mga gulay tulad ng patastas, pipino, sili, pechay at iba pa.

Ayon kay Sevilla, advance technology na ang ginagamit ng Koreans sa pagsasaka subalit kinakapos ang mga ito sa manpower ng mga local farmers kaya kumukuha ng mga workers mula sa ibang bansa.

Samantala nitong September 6 ay dumating na sa bansa ang unang batch na naipadala sa Korea noong April 4, 2022 matapos makakumpleto ng limang buwan.

Ang cropping season sa South Korea at nagsisimula sa pagtatanim sa buwan ng Marso at nagtatapos sa pag-aani mula buwan ng July hanggang buwan ng Oktubre.

2 PATAY SA PAMAMARIL SA MAGKAPANGALANG LUGAR SA BATANGAS

Ylou Dagos

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa magkapangalang lugar San Juan at Calatagan, Batangas nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Batangas PNP, nadiskubre na lamang ang malamig ng bangkay ng isa sa 2  biktima, ang 38 anyos na  security guard na  si Vicente Tabora Jr , 38 anyos.

Nakabulagta sa loob ng gate ng  Estancia San Carlo D’Arona Inc. farm sa Sityo Puting Buhangin sa  Brgy. Paraiso, Calatagan, Batangas ang sekyu dakong alas 6:00 ng umaga.

May tama ito ng bala sa ulo at balikat.

Inaalam pa ang motibo ang kung sino ang suspek.

Samantala, sa Barangay Puting Buhangin naman, sa San Juan, Batangas, patay din sa pamamaril ang biktimang si Jesus Ejolen.

Ayon sa imbestigasyon ng  San Juan police, natutulog ang biktima sa kanyang kubo nang ilang beses itong  pagbabarilin ng kanyang kabaranggay na si Edwin de Torres dakong alas 4:30 ng hapon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang San Juan police sa ikadarakip ng suspek.

PULIS, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG RIDING-IN-TANDEM SA SAN JUAN, BATANGAS

📷 San Juan PNP

Marlon Luistro

Dead on arrival na sa ospital ang isang pulis  makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Calicanto, San Juan, Batangas kaninang alas-3:10 ng hapon.

Nasawi sa pamamaril ang biktimang kinilalang si Police Executive Master Sergeant Romel Panopio na nakaduty sa Batangas Provincial Police Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana sa provincial headquarters sa Batangas City ang biktima lulan ng minamanehong Kia Bonggo (Plate No. 462) nang pagbabarilin ito ng magkaangkas sa motor na mga suspek.

Dinala pa sa San Juan District Hospital pero idineklara nang dead on arrival ng  doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng tumakas na mga suspek at sa motibo sa krimen.

LALAKI PATAY SA PANANAMBANG SA SAN JUAN, BATANGAS

Ylou Dagos

Patay ang isang 44-anyos na lalaki matapos na ito ay tambangan ng hindi mga nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo sa San Juan, Batangas Lunes ng gabi.

Dead on the spot sa  San Juan District Hospital ang biktimang si Fredie Goc, residente ng Barangay Subukin.

Base sa report ng San Juan police, sakay ng motorsiklo ang biktima papauwi na sa kaniyang bahay dakong alas 7:30 ng gabi, nang harangin  ito ng mga suspek sa San Juan-Laiya road sakop ng Barangay Subukin.

Dito bigla na lamang pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mga tama sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ito sa ospital subalit binawian na ng  buhay sa daan pa lamang.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang isang  basyo ng kalibre .45 at tatlong basyo ng 9mm na baril.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin.

RAID SA SAN JUAN: IBA’T IBANG URI NG BARIL AT PAMPASABOG, NAKUMPISKA

📷 BPPO

Mga granada, sari-saring baril, bala at iba pang mga gamit ang nakumpiska ng kapulisan sa isinagawang paghahain ng search warrant sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, San Juan, Batangas Sabado ng umaga.

Ayon kay Batangas police director PCOL Glicerio C Cansilao, inihain ang search warrant ng mga pinagsanib na pwersa ng of Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO (lead unit), Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit, Batangas Provincial Mobile Force Company/Special Weapon and Tactics, 403rd A MC, RMFB-4A, RID4A-RIT Batangas, RIU-4A, NISG Southern Luzon at San Juan MPS sa bahay ng suspek na si Jay R Urmenita Bas, 37 taong gulang, tubong Davao City ngunit kasalukuyang naninirahan sa San Juan.

Wala umano ang suspek sa kanyang tahanan ngunit nakumpiska mula sa bahay ang iba’t ibang kalibre ng baril tulad ng Cal. 5.56 rifle Colt, Cal. 9mm pistol, Cal 9mm Jericho, Armscor Cal. 40 pistol, mga magazine at bala ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga pampasabog tulad ng rifle grenade with tracing bullet, MK 2 hand grenade fragmentation, M26A2 hand grenade fragmentation, at iba pang mga kagamitan.

Ani Cansilao, ang suspek ay miyembro ng Eleazar Rocio Criminal Group na nag-ooperate sa 4th District ng Batangas.

Ang nasabing search warrant ay inilabas ni Hon Rosemarie Manalang-Austria, Presiding Judge of Regional Trial Court- Branch 87 ng Rosario, Batangas noong July 14, 2022.

Inihahanda na ang mga dokumento para masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek.

AUDITION PARA SA SAN JUAN DANCE GROUP, ISASAGAWA

📷 Tourism of San Juan, Batangas Facebook Page

Denise Abante

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng San Juan sa Batangas, pormal nang isasagawa ang audition para sa Culture and the Arts Performing Dance Group ng naturang bayan.

Ito ay upang bigyang daan ang talento ng kabataang San Juaneño at maipakita ang kanilang tikas at galing sa larangan ng pagsasayaw.

Isasagawa ang audition sa San Juan Municipal Gymnasium sa June 13-14, 2022.

Inaasahan ng LGU San Juan ang pakikiisa ng bawat mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan sa gaganaping audition para maging cultural ambassador at miyembro ng Inaugural San Juan Dance Troupe.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring bisitahin lamang ang Tourism of San Juan, Batangas Facebook Page o di kaya’y magtungo mismo sa munisipyo ng San Juan

Narito rin ang registration link para sa mga nagnanais sumali sa naturang audition: https://forms.gle/m5CyqLKc9WTNrLBUA.

SAN JUAN, BATANGAS, COVID-FREE NA!

Stefhanie Loraine Ramos

Ngayong araw ika-5 ng Mayo, masayang inanunsyo ng Local Government Unit ng San Juan, Batangas na ang natitirang 2 active cases ay recovered na kung kaya’t ang kanilang bayan ay Covid-19 Zero Active Case nang muli.

Ayon sa pamunuan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Punong Bayan na si Ildebrando D. Salud, hindi sila titigil sa pagpapaalala na sumunod sa minimum health protocols na ipinatutupad upang maging ligtas ang bawat isa laban sa COVID-19.

Bagama’t wala ng active case sa bayan ay hinihikayat pa rin sumunod ang mga mamamayan sa alituntunin ng IATF at sumunod sa health protocols na ipinatutupad.