4-ANYOS NA BATA PATAY NANG MALUNOD SA TAAL LAKE

Marlon Luistro

Talisay, Batangas – Nagluluksa ngayon ang mga kaanak ng isang apat na tong gulang na batang lalaki na  namatay matapos malunod sa may Lawa ng Taal sa Binintiang Malaki Pulo, Poblacion 8 kinaumagahan noong ika-12 ng Hulyo.

Ayon sa ina ng biktimang si Mary Ann Noblezada, katatapos lamang nila noong magtanghalian sa nasabing lugar at naglalaro ang kanyang anak sa may pampang ng Binintiang Malaki sa lawa nang bigla na lang itong maglaho.

Kayat hinanap nila ang bata at natagpuan ang katawan nito sa ilalim ng lawa.

Agad na dinala ang  bata sa Malabanan Memorial Hospital pero idineklara nang dead on arrival ni attending physician Dr. Mark Joseph Gallemit.

FISHPOND CARETAKER TODAS SA MOTORSIKLO NG MENOR DE EDAD

frontpage online news - Talisay Batangas Map

Ylou Dagos

Patay ang isang fishpond caretaker matapos na ito ay masalpok ng motorsiklo na minamaneho ng isang menor de edad sa Talisay-Laurel national road,  Brgy. Leviste, Laurel, Batangas Sabado ng gabi.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Ernesto Malabanan Memorial Hospital ang biktimang si Eduardo Aballa, 30 anyos, residente ng nasabing barangay.

Batay sa report ng Laurel police, bandang alas 11:00 ng gabi, naglalakad ang biktima sa gilid ng highway ng mabundol ito ng motorsiklo na minamaneho ng hindi pinangalanang 16-anyos na binatilyo na noon ay patungo sa direksyon ng bayan ng Talisay.

Nagtamo din ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang binatilyo na mabilis na naisugod sa ospital.