3 COVID-19 PATIENTS DIE IN QUEZON

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY – Three more COVID-19 patients in Quezon died on Monday, August 22, amid a decline in the number of active cases in the province.

The Integrated Provincial Health Office (IPHO) reported on Monday that the towns of Infanta and Atimonan and Tayabas City listed one fatality each.

The province had recorded 1,579 COVID-19 deaths since March 2020, 10 of them logged this month.

The IPHO also recorded that 86 patients had recovered from COVID-19, the highest single-day tally this month. At least 35 new infections were also listed.

From 275 active infections on August 7, it is now down to 186, as of the latest tally.

Eleven of the 41 municipalities in the province no longer have any recorded COVID-19 cases, the IPHO report showed.

The Department of Health placed Lucena, a highly urbanized city in Quezon, under alert level 1, the most lenient in the five-tier alert status, until August 31.

The rest of Quezon’s 40 localities will remain under alert level 2.

APAT NA ESTUDYANTE PATAY NG SUMALPOK ANG SINASAKYANG VAN SA SINUSUNDANG TRUCK SA TAYABAS CITY

📷 Nhiecole Abejo BNFM Lucena

Ylou Dagos

Apat na estudyante ang patay matapos na ang kanilang sinasakyang van ay sumalpok sa likuran ng truck sa Maharlika highway sa Tayabas City dakong  alas 3:00 ng  madaling araw nitong Miyerkules.

Kinilala ang Tayabas City police ang mga nasawi na sina Juan Carlos Alvarez, 22. Enrique Garcia, 20, Marga Elayne Ramirez, 18 at  Michaela Jeuel Solomon, 23, pawang mga estudyante at lahat ay residente ng Candelaria, Quezon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Tayabas City police, na mabilis ang takbo ng Toyota Innova van na sinasakyan ng mga biktima ng sumalpok ito sa sinusundang forward truck sa paakyat na bahagi ng highway sa Barangay Calumpang.

Galing Lucena ang van at patungo na sa Candelaria ng mangyari ang insidente.

Ayon sa driver ng truck, dahil sa bigat ng kanilang karga, hindi niya namalayan ang pagsalpok ng van at inakalang niyang pumutok lamang ang isang gulong nila sa hulihan matapos makarinig ng ingay mula doon.

Subalit ng itinatabi na nito ang truck, doon niya nakita sa side mirror na kaladkad na nila ang van.

Nagtamo ng mga grabeng pinsala ang mga biktima na agad nilang ikinasawi.

Kinustodiya naman ng Tayabas PNP ang driver ng truck.

FETUS ITINAPON SA ILOG SA QUEZON

Ylou Dagos

Isang wala ng buhay na kasisilang pa lamang na sanggol ang natagpuang nakalutang sa ilog sa Tayabas City noong Martes ng umaga.

Ayon sa Tayabas City police, nadiskubre ng isang grupo ng mga kabataang mamimingwit ng isda   ang fetus na lulutang-lutang sa Alitao River, sakop ng Sitio Ibaba, Brgy. Wakas, nasabing lungsod dakong alas 10:30 ng umaga.

Kaagad itong kinuha ng mga awtoridad at sinuri sa City Health Office ng lungsod.

Ayon sa mga doctor, isang ganap na bata na ang fetus na tinatayang nasa 7 o 8 buwan na ang edad.

Ayon sa mga awtoridad, posible umanong isinilang ang sanggol pero wala ng buhay nang ilabas.

Pero sa halip na bigyan ng maayos na libing ay itinapon na lamang ito ng hindi nakilalang suspek sa ilog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis at inaalam kung sino ang nagtapon sa fetus.

WOMEN AND GIRLS IN SPORTS TOURNAMENT ISINAGAWA SA TAYABAS

📷 CICRO Tayabas

Vanessa Gonzales

Mahigit dalawang daan at limampung (250) kababaihan ang lumahok sa Women and Girls in Sports Tournament sa Silungang Bayan ng Tayabas na pinangunahan ni Philippine Sports Commision (PSC) Commissioner Celia Kiram noong ika-2 ng Hunyo 2022.

Hinati sa anim (6) na koponan ang mga kalahok at kabilang sa mga larong inihanda ay tradisyunal na patintero, tumbang preso, batuhang bola, tayakad sa kahoy at sack race. Kabilang naman sa ball games ang kickball, basketball at volleyball.

Matapos ang apat na araw na paligsahan, itinanghal na kampyon ang Team 4.

Ang Women and Girls in Sports Tournament ay pinamahalaan ni Sarah Zagala at ng bumubuo ng Tayabas City Sports Development Section katuwang ni Commissioner Celia Kiram, National Coordination Judith Laygo at Secretary Katherine Chan.

Dumalo rin sa pagbubukas ng paligsahan si Sangguniang Kabataan Federation (SKF) President Art Tristian Pontioso at nahalal na Vice-Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, na siyang kumatawan at nagbahagi ng mensahe ni Mayor Ernida Agpi Reynoso.

FIRE TRUCK NA RERESPONDE SA SUNOG, BUMALIKTAD, 2 BUMBERO SUGATAN

📷 Tayabas CDRRMO

Ylou Dagos

Sugatan ang dalawang bumbero nang ang kanilang sinasakayang fire truck na reresponde sa sunog ay bumaliktad sa provincial road sa Brgy. Ibabang Bukal, Tayabas City Biyernes ng hapon.

Isa sa mga nasugatan  ay ang driver ng firetruck na si FO3 Melvin Buncayo Abordo, 46 miyembro ng Bureau of Fire Protection of Tayabas City.

Sugatan din ang isa pang hindi tinukoy na kasama nito.

Batay sa report ng Tayabas police, patungong direksyon ng bayan ng Sariaya ang mga bumbero at reresponde sa nagaganap na sunog sa Brgy. Calumpang,  Tayabas City nang dahil sa bilis ng takbo ay mawalan ng kontrol ang nagmamaneho.

Sinikap ng driver na walang madamay na ibang sasakyan kaya nagpa giwang giwang ito hanggang sa tumihaya sa outer lane ng highway.

Kaagad isinugod ng mga nagrespondeng mga  tauhan ng CDRRMO ng  Tayabas City ang dalawang biktima na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan sa Lucena Doctors Hospital.