19 DRUG SUSPECTS BUSTED IN RIZAL, CAVITE; P656K ‘SHABU’ SEIZED

Sonny T. Mallari

LUCENA CITY—Police arrested 19 alleged drug pushers and seized more than P656,000 worth of shabu (crystal meth) in buy-bust operations Wednesday and Thursday in Rizal and Cavite provinces.

The Region 4-A police reported that anti-narcotics agents in Taytay, Rizal collared at 3:10 a.m. on August 11, Joselito King and Nelson Porlaza in Barangay Sta. Ana.

The authorities confiscated nine sachets of meth weighing 44 grams with a Dangerous Drugs Board (DDB) value of P299,200 and a motorcycle believed to be used by the suspects in their illegal drugs trade.

At Barangay 40 in Cavite City, anti-illegal drug operatives nabbed at 7:05 p.m. on August 10 Jimel Lucasan, Mick Enrique Mateo, and Rommel Saquilayan.

The trio yielded six sachets of shabu with a DDB value of P170,000.

At H-2 village in Dasmariñas City, the police busted around 10 p.m. Randy Alcaraz, Angelito Namangcayao, Sadam Adin, and Ricky Trinidad.

Seized from them were five sachets of meth worth P69,000 as per DDB valuation.

Policemen in Bacoor City arrested Antonio Sanchez, E.R John Acojido, Sotero Balais, Janine Elarmo, Angelo Alforte, Jerome Estocado, Joselito Cabarne, Ibnes Miyu, Michelle Talbo and Armando Balidio in two operations on Wednesday night.

The cops recovered a total of P118,000 worth of shabu from the suspects.

All suspects were detained and are facing charges for violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

P1.6M HALAGA NG MARIJUANA NASAMSAM SA RIZAL

📷 Police Regional Office 4A Facebook Page

Rachel Faith Mago

Arestado ang dalawang drug trafficker sa pagkakasamsam ng 1.6 milyong halaga ng marijuana kahapon, June 23, sa Melendrez Subdivision Brgy. Dolores,Taytay, Rizal.

Ang surveillance at intelligence gathering ng pulisya ay nagresulta sa pagkakaaresto kay Jomar Vergara y Pedrera alyas “Jomar”, 19 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Zone-10 Brgy. San Roque, Antipolo City at Edgardo Claudio y Acuña alyas Barry”, 25 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Isidro, Antipolo City.  Ang dalawa ay kinilala bilang High Value Individual.

Ayon sa pulisya, nag-abot ang dalawa sa police poseur buyer ng isang zip lock plastic sachet na naglalaman ng marijuana kapalit ng marked money.

Sa kabuuan, nasamsam ang labinlimang (15) piraso ng cling wrapped plastic na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana na may tinatayang gross weight na humigit-kumulang 16 kilos at may tinatayang street value na Php 1,600,000.00, kabilang ang mga eco bag, marked money at iba pang narekober na pera.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nakatanggap ang mga operatiba ng pulisya ng impormasyon mula sa isang confidential informant na mayroong napapadalas na pagbebenta ng iligal na droga sa Melendrez Subdivision, Brgy. Dolores, Taytay Rizal, kung saan isang alyas na “JOMAR” ang nasa likod ng nasabing aktibidad.

SUSPEK PATAY SA BUY-BUST OPERATION SA TAYTAY, RIZAL

Rachel Faith Mago

Patay ang drug-drealer suspek na kinikilala sa kaniyang alias na ‘Tonton’ sa Taytay, Rizal noong madaling araw ng ika-9 ng Hunyo.

Naganap ang buy-bust operation sa Block 30, Purok 4, Sitio Lupang Arenda, Brgy. Sta Ana nang kanyang mapaghinalaan na ang buyer ay isang police officer.

Matapos makumpleto ang buy-bust transaction, sunud-sunod na putok ng baril mula sa armadong suspek patungo sa mga operatiba na naging dahilan para dumepensa ang mga ito at gumanti ng putok.

Agad namang tumawag ng ambulansya ang mga pulis ngunit idineklara ng rumespondeng Taytay MDRRMO na ang suspek ay dead-on-the-spot.

Nirequest ang Rizal Provincial Forensic Unit para iproseso ang crime scene at ang mga narecover na isang (1) maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang daang peso bill (buy-bust money) at isang kalibre .45 na pistola.

Batay sa report, ang suspek na si ‘Tonton’ ay miyembro ng Alex Almojela Criminal Group na sangkot sa mga serye ng operasyon ng ilegal na droga at mga insidente ng pagnanakaw sa loob ng Taytay, Rizal area.

RECYCLING NG MGA TARPAULIN NA GINAMIT SA KAMPANYA, ISUSULONG PARA PANGKABUHAYAN

📷 Angono Rizal News Online

Jennica D. Escrupulo

Matapos iproklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Tobit Cruz bilang isa sa mga halal na konsehal ng Taytay, Rizal, kahapon, Mayo 10, sinimulan na niyang tanggalin ang kanyang mga tarpaulin na ginamit sa kanyang pangangampanya at handang isulong ang pagre-recycle ng mga ito tulad ng paggawa ng mga tote bags upang makagawa ng kita at kabuhayan.

📷 Angono Rizal News Online

Ang mga tarpaulin na gagawing tote bags ay tatahiin ng isang organisasyon ng mga kababaihan.

Ayon sa konsehal, “Wala pa yatang 20% ang natanggal namin na tarps, pero bukas ulit. Nakakatuwa kasi may mga nagvo-volunteer sumama at tumulong kaya bubuo kami ng isa pang team bukas.”

RANK 9 MOST WANTED NG RIZAL HULI SA TAYTAY

Photo: Rizal PPO PIO

Mary Rose Isla

Arestado ang 24 anyos na suspek sa isang operasyon na ikinasa ng Taytay Municipal Police Station bandang 9:20 ng gabi noong Apirl 18.

Kinilala ni Police Colonel Dominic L Baccay, Rizal Police Provincial Director, ang suspek na si Mandi Picardo, residente ng 52 B.A Cruz, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.  Sa isinagawang operasyon ng Taytay MPS na pinangunahan ni PLTCOL Francisco Panisan, Chief of Police, nadakip ang suspek sa kanila mismong barangay. Kinilala ito bilang rank 9 most wanted ng lalawigan ng Rizal.

Base sa report, si Picardo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ika- 28 ng Pebrero 2022 para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, na may inirekomendang piyansang Php 200,000.00

Kasalukuyang nakakulong sa Taytay Custodial Facility si Picardo habang ang kopya ng warrant of arrest ay ibabalik sa court of origin para sa kaukulang disposisyon.

BABAENG NAGMAMANEHO NG KOTSE PATAY SA PAMAMARIL SA TAYTAY

frontpage online news - Isang babae ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Taytay, Rizal. (photo from Taytay MDRRMO)
Isang babae ang patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Taytay, Rizal. (photo from Taytay MDRRMO)

Ylou Dagos

Patay ang isang babae matapos na ito ay tambangan at pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang kotse sa Taytay, Rizal Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Taytay police ang biktima na si Lanie Ayo.

Batay sa inisyal na report, dakong alas 11:12 ng umaga, nagmamaneho ang biktima ng kanyang kulay itim na kotseng Honda City at tinatahak ang Ortigas Avenue Extension pauwi sa kanyang bahay nang pagsapit sa Melendres Creekside , Brgy. Dolores ay barilin ito ng isang lalaking nag-aabang sa tabi ng highway.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan at namatay sa pagkakaupo sa driver’s seat.

Mabilis namang tumakas ang suspek na umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo na nakaparada sa gutter ng highway at minamaneho ng isang hindi rin natukoy na suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ng pulisya kung sino ang salarin.